Napabuga na lang ng hangin si Nick ng makitang tulog na si Winoona sa waiting room. Marahil ay nakatulog ito dahil sa pagod at pag aantay sa kanya. Kasama niya ang dalaga sa dinaluhang niyang meeting sa Laiya Batangas .Dahil kinailangan niya ito doon. Ngunit ng matapos at masigurado nito na nagawa na lahat ng kanyang kailangan sa meeting na iyon ay nag paalam ito sa kanya na sa waiting room na lang siya hihintayin.Hindi naman niya aakalain na tatagal ng mahigit apat na oras ang meeting na iyon. At habang nasa meeting nga siya ay hindi niya maiwasan ang hindi isipin ang kasintahang nasa waiting room at nag hihintay sa kanya. Nasa isang private resort sila na pag- aari ng kanyang kaibigang si Ronald. Si Ronald na walang ibang ginawa yata kay Winoona kundi ang patanungin tungkol k

