Malungkot kong pinag mamasdan ang aking kapatid na isang linggo nang nanatili sa E.R.Maingat kong pinupunasan ang kamay nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ito kay Bonbon. "Bon, gising kana dyan, please,Miss kana ng ate." Unti unti na naman pumapatak ang pinipigilan kong mga luha. Ang sakit sa dibdib!Lahat ng pag sisikap na ginagawa ko para yon sa kaisa isa kong kapatid. Tapos ito ang mangyayare na kahit sa hinagap ko ay di ko naisip. Bigla kong pinalis ang luhang pumatak sa aking pisngi ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako doon. Si Tya Carmen. "Noona, naririto sina Cindy at Miya."sabi nito na sumungaw sa pinto. "Ako na muna dito. Sige na, puntahan mo na mga kaibigan mo dyan sa labas." sabi pa ni tya Carmen saka kinuha saakin ang bimpo na pi

