Halos takbuhin ko ang pasilyo ng aming opisina wag lang ma-late. Lunes na lunes pa naman. Ngunit napatigil din ako ng may marinig na malalakas na boses. Nag mumula iyon sa kabilang opisina. Sa opisina ng shareholders. Dala ng kuryusidad ay di ko napigilan ang aking sariling tingnan iyon. Bahagyang nakaangat ang pinto noon.Napasilip ko. At ganoon na lang ang gulat at pag tataka ko ng makita roon si Cindy. Napakurap kurap pa ako ng makita kung sino ang taong kausap nito. Si Eldon?Base na rin sa pakikipag pag usap ng dalawa sa isat isa .Tila ba parang mag kakilala ang na ang mga ito. Ni minsan di ko pa nagagawang ipakilala si Eldon kina Miya at Cindy.Saka wala ring nababanggit sa akin si Cindy tungkol kay Eldon.Paanong mag kakilala ang mga ito? "Kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa nan

