-Paix's Play- "I'LL JUST wait for my chance to kiss her. It's as easy as that." Namintig ang mga tenga ko nang marinig ko 'yon mula sa bibig ng gagong Justin na 'yon. Nakangiti pa siya na para bang pinapamukha sa'kin na hindi siya magpapatalo. Bring it on then. Hinding-hindi ko rin siya hahayaang manalo. Wala akong ideya kung anong laro na ang nabubuo sa pagitan namin, ang alam ko lang, hindi na ito sa pagitan namin ni Nicoleen. Simula nang malaman ko ang katotohanan, kinalimutan ko na ang kahibangan na larong sinimulan ko. This isn't about me anymore, it's about Nicoleen and the truth she's not aware of. Ang mga kasinungalingang alam ko na bumabagabag din kay Justin. "Damn it! Tama na nga!" natauhan ako nang sumigaw si Nicoleen at tuluyang kumawala sa pagkakahawak namin sa mga kamay n

