–Nicoleen's Play– NAGISING AKO sa amoy ng tubig dagat. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa'kin ang nahihimbing na mukha ni Paix. And then I remembered my nightmare last night. All those images – and pain. Bumabalik at muling tumatatak sa isipan ko. Hanggang ngayon dala ko pa rin sa dibdib ko ang matinding takot. Sino kaya ang batang lalaking 'yon? Bakit galit siya sa'kin? Sino yung dalawang batang babaeng binato niya? Nalilito pa rin ako. Gusto kong matuklasan. I want it all at once – but it doesn't work that way. "Uhn," Nabaling ang atensyon ko sa mahinang ungol ni Paix. Tulog pa rin siya sa tabi ko. I smiled at the thought that he didn't leave me when he found me scared to death in this bed last night. Lagi na lang siyang nasa tabi ko tuwing kailangan ko si

