Chapter 25 Maria Aihla'sPov Umiiyak ako habang kumukuha ng damit ni nanay na kailangan.Gusto ko pang mabuhay si nanay lahat gagawin ko para mabuhay lang si nanay. “Panginoon malapagsaan po sana namin mga pagsubok sa buhay kahit si nanay gumaling lang po siya.” Inayos ko ang bag na dadalhin ko sa ospital . Naligo ako saglit at saka kinuha ang t shirt at pantalon para isusuot ko. Pagkatapos ko nag bihis dali dali kung kinuha ang bag at umalis na agad agad sa bahay. Habang naglalakad ako sa kanto nakita ko si Kaizer hinihintay ako. “Kanina ka pa ba dito Kaizer?” Tanong ko sa kanya “Hindi kararating ko lang dito Aihla.” Sagot ni Kaizer sa akin “Tara na punta na tayo ospital.” Wika ko sa kanya Nag abang kami ng tricycle na masasakyan namin pumunta sa ospital. Hanggang may isang t

