Simula
K I A R A
Dilaw, asul, kahel… at kung ano-ano pang makukulay na ilaw ang nagsisilbing liwanag sa buong bar para sa gabing ito. Hindi ako madalas na magpunta sa ganitong klaseng lugar dahil wala akong panahon sa mga ganitong bagay. Meron akong pamilyang binubuhay at mga kapatid na pinag-aaral. Maraming umaasa sa akin at wala na akong oras para sa sarili kong kasiyahan.
Pero sa gabing ito gusto kong kalimutan lahat ng pasan-pasan ko. Gusto kong maglibang at magpakasaya. Kahit ngayong gabi lang. Gusto kong gawin ang mga bagay na hindi ko magawa dahil sa mga responsibilidad na pinasa sa akin ng mga magulang ko. Lahat ng oras at kinikita ko sa pagtatrabaho, sa kanila ko lahat inilalaan. Kahit kailan hindi ako nagtabi ng para sa sarili ko. Laging sila ang inuuna ko sa lahat ng bagay, kahit maubusan na ako.
Pero sa gabing ito, kahit ngayon lang, gusto ko munang isantabi ang lahat ng problema ko. Kahit ngayon lang… Hindi naman siguro masama na kahit isang beses lang magwaldas ako ng pera para sa alak. Gusto ko lang magpakasaya ngayong gabi, kahit ngayon lang. Maramdaman ko lang na sumaya at mag-enjoy.
Tinaas ko ang bote ng alak na hawak ko habang umiindak kasabay ng malakas na tugtog. Hindi ko alam kung nakailan na ako ng iniinom ko pero nakakapag-isip pa naman ako ng matino kaya sigurado akong hindi pa ako lasing nito. Tinodo ko pa ang pag-indak nang mas lalong naging maingay ang tugtog. Napapapikit na ako habang sumasayaw, dinadamang maigi ang musika.
Nagtawanan kami ng best friend ko nang may lalaking bigla na lang lumapit sa amin at sumayaw na parang uod. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang dance step na iyon pero sobrang tawang-tawa kami ng kaibigan ko. Sayang ang gwapo pa naman sana niya, kung hindi lang parang tanga siya kung sumayaw.
Tumigil siya agad nang napansin na halos humagalpak na kami ng best friend ko sa kakatawa.
"Sorry, dare lang," may kalakasan niyang sabi para lang marinig namin siya kahit na maingay ang paligid.
"Ano naman ang dare sa'yo? Sumayaw na parang uod?" anang kaibigan ko sabay baling sa akin, sabay kaming humagalpak muli ng tawa.
Nahihiyang napakamot sa kanyang batok ang lalaki at tinalikuran na lang kami ng tuluyan para umalis na. Mukhang pahiyang-pahiya ito sa nangyari, ayaw naman namin siyang ipahiya pero hindi talaga namin mapigilang matawa sa pinaggagawa niya kanina. Damn! Saan niya ba nakuha ang kakaibang dance moves na iyon?
Nang sundan namin ng tingin ang lalaki ay nakita namin itong lumapit sa isang lamesang puno ng mga kalalakihang tawa din ng tawa, napanood din siguro ang ginawa niya. Mukhang inutusan nga lang talaga siya ng mga ito na gawin iyon. Pero bakit naman kasi ganoon ang sayaw? Utos din ba sa kanya na ganoon ang maging galaw?
Huminto ang tingin ko sa isa sa mga lalaking kabilang sa kanilang grupo. Nakangiti din ito at natatawa habang tinatapik ang likod ng lalaking napahiya. Gwapo din siya… Matangos ang ilong, mapupula ang mga labi at parang intense kung tumingin kahit nakangiti naman siya. May kakaiba sa mga mata niya na hindi ko masabi kung ano. Pakiramdam ko kung tititigan niya ako ngayon hindi ko kakayanin at bigla na lang akong matutunaw…
"Marami palang kasama. Puntahan kaya natin?" ani Julia na halos magtatatalon sa kilig habang nakatingin sa grupo ng mga lalaki.
Napansin niya din siguro ang napansin ko. Puro gwapo ang mga lalaking nasa lamesang iyon, kahit iyong lalaking mukhang tanga sumayaw kanina, gwapo din.
Alam kong sinabi ko sa sarili ko kanina na hindi ako magpapaka-kill joy ngayong gabi, na hahayaan kong mag enjoy ang sarili ko at hindi pipigilan sa kahit anong bagay. Pero hindi ko yata magagawa iyong gustong mangyari nitong si Julia. Hindi ko yata kayang lumapit sa mga iyon.
"Ayoko nga! Baka mga manyak pa ang mga iyan. Sumayaw na lang ulit tayo," yaya ko sa kaibigan ko.
Ngumuso siya at nakakunot ang noong tinignan ako.
"Sa akin okay lang kung manyak sila. Willing ako pa manyak." Ngumisi ang kaibigan ko at nagawa pang kumindat.
Tumawa ako at mahinang hinampas ang braso niya.
"Malandi ka!"
"Come on, Kiara! Ilang taon na ba tayo? Hindi na tayo mga bata para sa mga ganyang bagay! Saka di ba sabi mo gusto mong magpakasaya kahit ngayong gabi lang? Bakit hindi pa natin lubusin? Lumandi ka naman kahit ngayong gabi lang! Malay mo makahanap ka sa mga lalaking 'yan ng magpapaligaya sa'yo ng husto ngayong gabi?" Malisyosang kinindatan ako ng kaibigan ko.
Hindi ko alam kung bakit pagkatapos niyang sabihin iyon ay napatingin akong muli sa lalaking tinitingnan kanina. Ang lalaking parang intense kung tumingin. Sakto namang napatingin din siya sa direksyon namin ni Julia. Nagtama ang tingin namin, nagtagal ang tingin niya sa akin ganoon din ako, at hindi nga ako nagkamali sa hula ko… para nga talaga akong matutunaw sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ngayon.
"Dali na! Lapitan na natin! Magpakilala tayo!"
Inilipat ko ang tingin ko kay Julia.
"Ayoko nga, ano! Babae tayo, hindi dapat tayo ang nauunang lumapit sa lalaki," sabi ko, sumimsim sa alak na hawak.
"Sus! Magpapakilala lang naman saka normal na iyon dito sa bar!" Umirap pa siya.
"Kung gusto mo talaga, ikaw na lang. Dito na lang ako. Pero mas maganda kung sumayaw na lang tayo ulit. Masaya naman kahit tayong dalawa lang, di ba?"
Ngumuso siya pero hindi na din naman umalma.
"Cheers?" pinag-untugan namin ang mga bote ng alak na hawak namin bago humiyaw na parang mga baliw at muling nagpatuloy sa pagsasayaw.
Nang tumagal kami sa pagsasayaw ay hinila na ako ni Julia sa gitna ng dance floor kung saan mas marami ang nagsasayaw. Iniwan na namin ang bote ng alak sa lamesa namin at nakisali na sa mga nagsasayaw sa dance floor. Nagwawala na ang mga tao doon dala ng alak, nagtawanan kami ni Julia at nakisabay na lang sa kanila. May sumayaw sa likod ng kaibigan ko na agad niyang hinarap para sayawan din. Nakatalikod na tuloy siya sa akin ngayon. Natawa ako pero nagpatuloy na lang din sa pagsasayaw kahit tinalikuran na ako ng kaibigan ko nakahanap lang ng lalaki.
Pumikit na lang ako at mas lalong dinama ang musika, hanggang sa maramdaman kong may pumalupot na mga bisig sa baywang ko. Sandali akong natigilan sa pagsasayaw at napadilat pero agad ding nagpatuloy nang maramdaman kong nagsimula siyang sumayaw sa likod ko habang nakayakap sa akin.
Ramdam ko ang init ng kanyang katawan na para bang unti-unting napapasa sa katawan ko. Dikit na dikit ang katawan ko sa kanya habang nagpapatuloy sa pagsasayaw. Hindi ko pa kailanman nasubukang makipagsayaw ng ganito sa isang lalaki. Kung sa bagay, ngayon lang din naman kasi ako napunta sa ganitong lugar. Halos lahat yata ng ginawa ko ngayong gabi ay first time ko. Tulad ng pagsusuot ng ganito kaiksing dress, pinahiram lang ito sa akin ni Julia dahil wala naman akong ganito ka-revealing na damit.
Naramdaman ko ang pagdiin ng lalaki sa kanyang sarili sa akin. Napakagat ako sa labi ko nang may maramdamang matigas na bagay sa aking likuran. Inaamin ko na wala akong experience sa mga ganitong bagay pero hindi naman ako santo, hindi naman sobrang linis ng pag-iisip ko para hindi ko malaman kung ano iyong matigas na bagay na tumutusok sa likuran ko.
Ang bilis namang tumigas no'n? Manyakis ata itong nakasayaw ko.
Kakalas na sana ako sa pagkakayakap sa akin ng lalaki nang maramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko. Naihilig na niya ang kanyang baba sa aking balikat habang nakaharap ang kanyang mukha sa aking leeg, tumatama doon ang kanyang ilong.
In fairness, ang bango ng hininga niya, huh? Kahit may halong amoy alak, mabango pa din. Hindi lang ang hininga niya ang mabangong naamoy ko kundi maging siya mismo, mabango din. Parang nakaka-adik amoyin. Hindi ko na tuloy naituloy ang balak na pagkalas sa kanyang yakap.
Sa halip ay mas lalo ko pang inindak ang aking balakang, hinahanap ang kaninang nararamdaman sa aking puwetan. Napasinghap siya sa leeg ko nang muling tumama ang matigas na bagay sa aking pang-upo. Kinagat ko ng mariin ang aking labi, kasabay no'n ay naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa gilid ng aking leeg. Napapikit ako sa elektrisidad na idinulot noon sa aking katawan.
What the fvck! Hinalikan niya ako sa leeg! Dapat itinutulak ko na siya ngayon palayo, pero imbes na ganoon ang gawin ay nakuha ko pa talagang ipilig ang ulo ko sa kabila para mas bigyan pa siya ng access sa aking leeg.
"You want my kiss, huh?" aniya sa nang-aakit na tono.
Pucha! Pati boses parang nanghihikayat sa kama. Wala akong experience sa ganitong mga bagay pero ilang taon na din ako at magsisinungaling ako kung sasabihin kong ni minsan sa buhay ko hindi ko naisip na gawin ang mga bagay na ito. Kaya lang wala talaga akong time para sa mga ganitong bagay. Lahat ng oras ko nakalaan sa trabaho at sa pamilya ko. Ngayon gabi lang ako nagkaroon ng time para maglibang at unahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung mauulit pa itong gabing ito kaya tama si Julia, mabuti pa siguro kung lubos-lubusin ko na ang lahat ng ito.
Dahil bukas balik nanaman sa dati ang buhay ko. Trabaho at pamilya lang. Mabuti pang lubusin ko na ang lahat ng ito ngayon, kahit isang gabi lang, pagbibigyan ko ang sarili ko. Ngayon lang.
Nang hinarap ko siya ay sandali akong natigilan nang mapagtanto na siya iyong isa sa mga lalaking nasa kabilang lamesa kanina. Iyong tinititigan ko lang dahil gwapo at malakas ang dating. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti sa kilig. Kumapit ako sa kanyang batok habang nagpipigil pa ding mangiti habang masyadong seryoso ang kanyang titig sa akin.
Shit! Ang gwapo! Kung gwapo na siya kanina sa malayo mas hamak na mas gwapo siya sa malapitan. Kinagat ko ang labi ko at hindi na nagpaawat sa pagtitig sa kanyang mukha. Feeling ko ang swerte-swerte ko ngayong gabi at may kasayaw akong ganito ka-gwapo.
"Hi," aniya sa paos na boses. Lalo akong napakagat sa labi ko sa sobrang sexy ng boses niya.
Umangat ang isang gilid ng kanyang mga labi, na para bang natatawa siya. Pinagtatawanan niya ba ako. Teka lang…
Sinubukan kong tanawin ang lamesa nila ng mga kasama niya kanina. Iniisip ko na baka pinagtitripan lang ako ng isang ito. Baka nautusan lang din siya tulad noong sa kaibigan niya kanina.
"What? Ako na ang kasayaw mo, parang naghahanap ka pa ng iba." aniya sa medyo preskong paraan.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanyang mukha. Ang gwapo talaga nakakainis.
"Dare lang ba 'to?" Nagtaas ako ng kilay. Nagsalubong naman ang kanya.
"Hmm… What do you think?"
"Hmm, kung dare ayos lang naman. Anong inutos nila sa'yo? Makipagsayaw sa stranger?"
Umangat muli ang kabilang gilid ng kanyang namumulang mga labi.
"What if ang dare sa akin ay halikan ang pinaka magandang babae dito sa dance floor, papayag ka bang pahalik?"
Nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko agad akong pinamulahan ng mukha dahil doon.
"Kung pinaka maganda, hindi ako iyon. Ang kaibigan ko pwede pa…" sabi ko at iginala ang tingin sa paligid para hanapin ang kaibigan kong si Julia pero hindi ko na ito makita. Mukhang nag enjoy na ang gaga sa lalaking kasayaw niya kanina.
Kung ganoon, ayos lang. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa.
"Kaso hindi ko na siya mahanap," sabi ko at muling ibinalik sa kanya ang tingin.
Naabutan ko ang intense niyang titig sa akin. Ngumuso ako at imbes na mahiya ay ginantihan ko ang paninitig niya.
"You're the most beautiful lady here tonight."
Ngumisi ako.
"Bakit, inisa-isa mo ba ang mga babae kanina?"
Lalo din siyang napangisi sa sinabi ko.
"No, but I've never seen someone as stunning as you."
Bolero. Ilang taon na kaya ito at medyo magaling bumanat.
"Ilang taon ka na?" Hindi ko mapigilang mapatanong.
Mamaya bata pa pala ito tapos papatulan ko. Kung makikipaglandian ako ngayong gabi sa isang stranger, s'yempre gusto ko iyong mas matanda sa akin o kahit kasing edad ko na lang. Ayoko ng bata. Mamaya maging estudyante ko pa, eh di patay na.
"Hmm, bakit mo tinatanong?" Naningkit ang mga mata niya.
"Wala naman."
"Hindi ba pwedeng pangalan ko muna ang tanungin mo? Edad agad?"
"Okay. Pangalan?"
Natawa siya ng bahagya. Naramdaman ko ang mga kamay niyang unti-unting pumapalupot muli sa aking baywang. Ramdam ko ang mainit na palad niya sa aking nakabukas na likuran. Hinahaplos niya ako doon at hindi ko mapigilang makaramdam ng kung ano sa hawak niya.
"Is this an interview? Kapag napasa ko ito, will you give me permission to kiss you?"
Ngumisi ako. Kiss lang ba ang gusto niya?
"Kung halik lang ang gusto mo pwede mo naman akong halikan ngayon kahit hindi mo na sagutin ang tanong ko."
Nakita ko ang pagdilim ng mga mata niya. Bakas ang matinding pagnanasa sa mga iyon habang manghang nakatitig sa akin. Kinagat kong muli ang ibabang labi ko bago ako muling nagsalita.
"Mahirap na. Baka mamaya minor ka pa pala o mas bata pa sa akin."
"Why? Mahalaga ba ang edad sa'yo kapag makikipag…" pinutol niya ang sinasabi.
Mahalaga daw ba sa akin ang edad? Hindi ko alam. Ngayon ko pa lang masusubukan ang ganito kaya hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Akala niya siguro may experience na ako pagdating sa mga ganitong bagay.
"Hindi naman. Ayoko lang ng minor o masyadong bata. Thirty na ako."
"So?"
"So?" Ginaya ko ang sinabi niya.
"I'm not a minor," aniya at unti-unting inilalapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
Napapikit agad ako sa halik na ibinibigay niya. First kiss ko ito at masyadong mapusok agad ang ibinibigay niyang halik. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya sasabayan o kung paano ibabalik ang mga halik niya. Tumigil siya sandali sa paghalik sa akin para bumulong sa aking tainga.
"Zion."
Napapikit ako sa munting bulong niya sa aking tainga.
Gosh! Pati ang pangalan ang pogi. Bagay na bagay sa kanya.
"You?"
Nagdadalawang isip akong sagutin ang kanyang tanong pero ang unfair naman kung siya lang ang magpapakilala.
"Kiara."
Ngumisi siya at muli akong hinapit sa baywang upang mas magkalapit ang aming mga katawan.
"Hmm. Do you want to go somewhere quiet and private, Kiara?" Muli niyang bulong sa tainga ko na nagpataas ng mga balahibo ko.
Naisip ko agad ang kaibigan ko. Alam ko naman na makakauwi siyang mag-isa pero ayaw ko siyang iwan ng basta-basta na lang. Pero kahit anong lingon ko sa paligid ay hindi ko na siya mahanap sa dance floor. Saan na kaya napunta ang babaeng iyon?
Muli akong bumaling kay Zion.
"Do you have a car?" Tanong ko dahil mukha namang mayaman ang lalaking ito.
Tumaas ang dalawang kilay niya sa pagtataka sa naging tanong ko pero agad din naman siyang tumango.
"Then, let's go there," sabi ko at ako pa talaga ang humila sa kanya palabas ng bar.
Nasa parking pa lang kami ramdam ko na ang kamay niyang kung saan-saan nakakarating. Hanggang sa huminto kami sa isang mamahaling sasakyan. Sandali pa akong napatunganga doon bago niya ako pinagbuksan ng pinto at hinila papasok sa backseat.
My gosh! Hindi ako makapaniwala na pumayag ako sa ganito. Damn! Anong nangyayari sa akin? Dahil ba ito sa alak o sadyang sobrang hot lang ng lalaking ito kaya hindi na din ako makapagpigil.
Sobrang sakit ng ulo ko sa sumunod na araw. Mabuti na nga lang at ginising ako ng kapatid ko kung hindi ay baka hindi pa ako nakapasok sa first day of class ko. Unang araw mukhang malilate pa ako pero mabuti na lang talaga at ginising ako ng kapatid ko at nakaabot ako sa first class ko para sa araw na iyon.
Sa faculty ko na naayos ang itsura ko para lang makasiguro akong aabot ako sa oras. Buti nakaabot naman at may konting oras pa ako para mag-ayos. Hindi na ako nagkaroon ng oras na isipin pa ang mga pinaggagawa ko kagabi dahil sa sobrang pagmamadali ko. Mamaya ko na lang siguro iisipin ang mga nangyari kagabi pagtapos ng trabaho ko. Mamaya ko na din papagalitan ang sarili dahil sa kagagahan.
The heck! Nakipag-ano lang naman ako sa isang estranghero sa sasakyan niya ng wala pang protection. Ang tanga lang! Pero mamaya ko na poproblemahin iyan, kailangan ko munang mag focus sa trabaho ko dito.
Bumuntong hininga ako bago ako pumasok sa una kong klase. Agad akong binati ng mga magiging estudyante ko nang nakapasok na ako. Tiningnan ko ang orasan sa wrist ko at nagpasalamat na hindi naman ako na late.
Pagkatapos kong magpakilala ay isa-isa kong tinawag ang pangalan ng mga estudyante ko para mapirmahan ko isa-isa ang mga registration form nila.
Ngunit natigilan ako sa isang pangalan. Unang-una pa naman ang pangalan nito sa boys pero agad kong pinagsawalang bahala iyon. Marami naman sigurong may ganoong pangalan. Tinawag ko ang pangalan ng isang Zion Almodovar pero walang lumapit o nagtaas manlang ng kamay sa mga estudyante ko.
"Zion Almodovar?" Ulit ko sa pagtawag sa pangalan na iyon pero wala pa ding lumapit sa akin para papirmahan ang kanyang registration form.
Napailing ako.
"First day of school absent?" Naiiling na sabi ko at nagtawag muli ng ibang pangalan.
Natapos na ako sa pagtawag ng mga pangalan at pagpirma ng mga registration form ngunit hindi pa din dumadating iyong lalaking nagngangalang Zion Almodovar.
Unang araw ng klase at absent agad?
Magpapatuloy sana ako sa pagdi-discuss tungkol sa aking subject nang may biglang pumasok na lalaki. Napatingin ako dito at agad na naestatwa sa kinatatayuan ko. Maging ito ay nagulat at natigilan din sa may pinto. Bumakas ang gulat sa kanyang mukha pero agad ding nakabawi at unti-unting umangat ang gilid ng mga labi.
Fvck!