Chapter 5

2059 Words
Gayon na lang ang pagkagulat na naramdaman ko nang mapagsino ang taong kaharap ko. At ang inaakala kong pader kung saan tumama ang noo ko ay walang iba kundi ang matigas nitong dibdib. Natigilan ako nang ilang segundo habang nakatingin sa mukha nito na para bang nakikisimpatiya sa sakit na nararamdaman ko. Malamlam ang medyo bilugan nitong mga mata na hindi ko mawari kung galit dahil naningkit iyon kasabay ng paggalaw ng kanang panga nito. Kinabig niya ako payakap at isinandal ang ulo ko sa malapad niyang dibdib. "What happened? Why are you crying?" tanong nito habang mahigpit na nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko habang nakakulong ako sa mga bisig nito. Masuyo nitong hinaplos ang likod ko na wari bang ipinararamdam sa akin na mayroon akong kakampi sa mga oras na iyon, na magiging okay din ang lahat. "Ang tagal kitang hinanap, dito lang pala kita matatagpuan," patuloy pa nito. Ilang minuto rin kami sa ganoong ayos hanggang sa kumalas siya sa pagkakayakap. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at pinagmasdang maigi. "Who made you cry?" Napalitan ng pag-aalala ang tila galit sa mukha nito. Muli na naman gumalaw ang mga panga nito nang walang marinig na sagot mula sa akin. Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Isa pa, alam kong hindi maganda ang kinalabasan ng huli naming pagkikita at alam kong galit ito sa akin. "Damn! I hate seeing you crying." Niyakap niya akong muli at ilang segundo ang dumaan, inalalayan niya ako papasok sa nakaparadang kotse. Nagpatianod na lang ako dahil wala akong ibang makakapitan ng mga sandaling iyon kundi siya lang. Inayos niya muna ang seatbelt ko saka pinaandar ang kotse palayo sa lugar na iyon. Wala kaming imikan habang nasa daan. Patuloy lang siya sa pagmamaneho na amino'y iginagalang ang pananahimik ko. "Feeling better?" tanong nito nang itigil ang sasakyan sa tabi ng daan. Tumango lang ako. "I'm sorry," sambit ko nang ilang minuto kaming walang imik sa loob ng nakaparadang kotse. Pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang ibinigay nitong panyo kanina. "Pasensiya na sa abala." "Huwag mong isipin iyon. Hindi ka abala sa akin." Tumunog ang phone nito na naroon sa dashboard pero mabilis niya iyong kinansela na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Bakit ka nga pala naroon kanina? Tirik na tirik ang araw tapos naglalakad kang mag-isa." Ngumiti ito saglit saka nagpatuloy, "mabuti na lang at hindi ka nasunog or else hindi na kita makikita pa." Nasunog? Inirapan ko ito pero sige pa rin sa katatawa. Hindi talaga matanggal sa utak nito ang ideya na isa akong bampira dahil sa hitsura ko. Last time na nagkausap kami hindi ito naniwala na tatlumpu't tatlong taong gulang na ako. "I was surprised seeing you walking down that street in a broad daylight. May pangontra ka ba kaya hindi ka tinatablan ng araw?" "Kung sana nga lang tinablan na ako ng sinag ng araw, ipagpapasalamat ko pa iyon." Tumigin ako sa labas ng bintana, ang kaninang tirik na tirik na araw ay napalitan ng makulimlim na kalangitan na animo'y nakikiisa sa pighating nararamdaman ko. Mapait akong ngumiti nang sumagi na naman sa utak ko ang nasaksihan sa lobby ng building ni Mrs. Sayes. Muli akong tumingin sa gawi ni Chuck at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. Waring naghihintay na magkuwento ako kung ano ang totoong nangyari. "Nawawala ang driver's license ko kaya hindi ako makapag-drive. Nagkataon naman na walang dumadaang taxi sa lugar na iyon kaya wala akong choice kundi maglakad," pagdadahilan ko. Totoong nawawala ang lisensiya ko kaya iyon na lang ang sinabi ko kaysa naman malaman niya na kaya ako umiyak kanina dahil sa lintik na ama ng anak ko. Mataman ako nitong tiningnan na parang hindi naniniwala pero wala akong pakialam. Maniwala man siya o hindi problema na niya iyon. Pilit itong ngumiti saka nagsalita, "So, since okay ka na, can I invite you for a lunch?" Gulat ako sa sinabi nito. Lunch? Tumingin ako sa wristwatch ko. Mag- a-alas tres na pala pero nag-aaya mag-lunch. "It's almost three in the afternoon, don't tell me hindi ka pa nanananghalian?" Napakamot ito sa batok. "Parang ganoon na nga." Para akong nakonsensiya sa nalaman. Hindi pa pala ito nagla-lunch kaya pinaunlakan ko na ang imbitasyon nito. Kanina pa siguro ito nagugutom pero mas pinili akong samahan kaysa kumain. Muli naming binaybay ang kahabaan ng kalsada pero this time panay na ang kuwento nito ng kung anu-ano at aaminin ko medyo gumaan talaga ang pakiramdam ko kahit nagsisimula ng umulan sa labas. "Saan mo gustong kumain?" tanong nito habang nakatutok ang mga mata sa daan. "Sa unang restaurant na madaanan natin." Tumango lang ito. Itinigil nito ang sasakyan nang may madaanan kaming restaurant. Pinagbuksan ako nito ng pinto at nagtaka ako sa pagiging gentleman nito ngayon, kabaligtaran ng una kaming nagkita sa bar. Habang kumakain kami ay lalong lumakas ang ulan sa labas. May mangilan-ngilang customer na pumasok sa restaurant na iyon. Maigi na lang at medyo malayo sa karamihan ang napiling mesa ni Chuck kaya walang nakakarinig sa pag-uusap namin. "I'm sorry ulit sa abala," wika ko matapos kaming kumain. "I told you, hindi ka abala sa akin." Ngumiti ito matapos pasadahan ng kamay ang buhok. "I am happy na nagkita ulit tayo." Parang uminit ang pisngi ko sa huling sinabi nito. My god! Nagmumukha akong teenager sa harap nito. Hindi pwede! "Hindi kaya hanapin ka sa office? Sabi ng friends mo kasisimula mo pa lang daw sa trabaho last Monday," pag-iiba ko sa usapan para iwaksi ang alaalang bigla na lang sumagi sa utak ko. "Nagpaalam naman ako sa office. Isa pa, malakas ako sa may-ari," biro nito. Habang nag-uusap kami, hindi ako makapaniwala sa taong kaharap ko ngayon. Napakabata pa niya sa edad na beinte tres pero sa paraan ng pagsasalita nito, sa mga pananaw niya sa buhay parang napakamatured na niyang tao. Parang marami ng pinagdaanang pagsubok sa buhay, parang pinatatag na ng panahon. "Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo," wika nito mayamaya. "Naikuwento ko na yata ang buhay ko pero wala man lang akong alam tungkol sa iyo." "Kung magkukuwento ako tungkol sa buhay ko, maniwala ka kaya?" "Oo naman," maagap nitong sagot at uminom ng kape. Napangiti na lang ako bago nagsalita. "I doubt it. Hindi ka nga naniwala sa edad ko, e." Ang totoo, ayaw ko lang magkwento ng tungkol sa buhay ko lalong-lalo na sa lalaking ito. Nagpapasalamat ako na sinamahan niya ako sa panahong problemado ako pero hanggang doon na lang iyon. Ayoko ng palawigin pa ang pagkakakilala namin, baka kung saan pa mauwi iyon. Masaya na akong nakilala ko ang isang tulad niya. "See?" wika ko nang natigilan ito. "You won't believe me anyway kaya mas mabuti pang huwag na akong magkwento." Napatingin ako sa labas ng restaurant, malakas pa rin ang ulan. Papaano ako nito makakauwi? Ayoko namang magpahatid kay Chuck. Mahirap na, napakakulit pa naman ng lalaking ito. Kinuha ko na lang ang phone ko para i-text si Patty. "Don't worry, ihahatid kita sa bahay n'yo." Tila alam nito kung ano ang tumatakbo sa utak ko. "Hintayin muna nating tumila ang ulan." "Don't bother. Susunduin ako ng kaibigan ko." Iminuwestra ko sa kaniya ang cellphone ko. "Malapit lang daw siya rito." "Ayaw mong ihatid kita?" Parang nagtatampo ang boses nito. "Hindi naman sa ganoon, kaya lang..." Bakit parang nauutal ako? Tumunog ang phone nito pero gaya kanina, mabilis niya na naman kinansela ang tawag na iyon. Makailang ulit iyon na nag- ring, pero ni isa wala siyang sinagot. Nasa akin ang buong atensiyon niya. "Baka importante 'yan. Bakit hindi mo sinagot?" "Ah, hindi naman iyon mahalaga," wika nito. "Mas mahalaga ka kaysa sa tawag na iyon. Alam mo bang lagi akong nakatambay sa bar kung saan tayo unang nagkita? Gabi-gabi akong naroon sa pagbabakasakaling makita kita. Nagulat ako sa sinabi nito. Desperado ba ang lalaking ito at gabi-gabi kung magpunta sa bar na iyon? Kung hindi lang ito guwapo, mapagkakamalan ko itong stalker. "I really like you, Ligs," wika nito mayamaya. "That's why gusto kitang ihatid sa bahay n'yo para alam ko kung saan kita pupuntahan sa mga susunod na araw." Boom! Sinasabi ko na nga ba. Isa na namang makulit na kalahi ni Adan. "Remember what I've told you before? That I would do anything for you to love me." Bakit parang kinilig ako sa sinabi niyang iyon? Hindi dapat ako magpaapekto sa mga sinasabi nito. Ang tanda ko na para makaramdam ng ganoon. Sinadya ko ang pagkunot ng aking noo para itago ang sayang nararamdaman dahil sa mga sinabi ng kaharap ko. Hindi ko alam kung totoo ang mga namumutawi sa labi nito. "I am sorry, Chuck but you don't have to do that. I am not interested. Why don't you go out with other girls? 'Yong mga kasing edad mo. Hang out with them, I'm sure you're going to have fun." "But I like you, Ligs. I love you. I don't want any of them. All I want is you." Parang nabasa ko ang lungkot sa mukha nito nang sabihin iyon kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga nito. "I don't feel the same way, Chuck. Isa pa, you are too young for me." "Bakit lagi mong sinasabi na mas matanda ka sa akin? You look like twenty years old." Tipid akong ngumiti dahil sa sinabi nito. All these years lagi akong napapagkamalang beinte anyos. "Thanks for the compliment, Chuck but that's the truth. I'm way too old for you. And about that feeling of yours, you are just confused. It's just an infatuation. Sooner or later it will fade away. Trust me, naranasan ko na iyon. Ang inaakala mong pag-ibig ay hindi pala totoo at ang inaakala mong taong mahal mo ay huwad pala." Natigilan ito sa mga sinabi ko pero agad din itong nakabawi nang may lalaking lumapit sa aming mesa. Tumayo si Chuck para makipagkamay pero laking gulat ko nang makilala kung sino iyon. Si Vincent, ang babaerong asawa ng kaibigan kong si Kaye. "Chuck pare, it's been months. How have you been?" bati nito. "Heto guwapo pa rin." Sabay na tumawa ang dalawa at mayamaya ay tumingin sa gawi ko si Chuck. "Pare, I want you to meet--" Hindi ko na pinatapos pa magsalita si Chuck. Ganoon din naman, magkakilala kami ni Vincent. "Hi, Vincent. Nice seeing you here. Kasama mo si Kaye?" Nakangiti kong bati rito pero deep inside gustong-gusto ko ng upakan ang lalaking ito dahil sa panloloko niya sa kaibigan ko. "Magkakilala kayo, Ligs?" kunot-noong tanong ni Chuck. Tumango ako. "Asawa siya ng kaibigan ko." Ngiting-ngiti naman si Vincent nang tumingin sa gawi ko. "I am happy that you are dating again, Ligs." Nilingon nito si Chuck. "Swerte mo, pare lahat ng pinakilala kong lalaki kay Ligs ay hindi niya pinansin." "Chuck and I are friends, Vincent. And we are not dating." Tumawa lang ang dalawang lalaking kaharap ko. "By the way, Ligs I heard he's back in town." Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Alam kong si Fern ang tinutukoy niya. "Nagpakita na ba siya sa iyo?" "Last week," matabang kong sagot. "Why?" "So, ikaw pala ang unang pinuntahan niya. He wants to win you back, Ligs. I would be happy for the both of you if you will give him another chance. He really loves you." Ngumiti pa ito na tila inaasar si Chuck. Umandar na naman ang kalokohan ni Vincent. At hindi na ako magtataka kung isa sa mga susunod na araw ay makarating kay Fern ang tungkol kay Chuck. Masyadong tsismoso ang asawa ni Kaye. Umasim ang mukha ni Chuck dahil sa narinig sa mga labi ni Vincent. Kahit nakaalis na ang huli ay hindi pa rin mawala ang tila galit sa mukha ni Chuck. "Who is he?" tanong nito matapos ang ilang segundong katahimikan. "He? I thought magkakilala kayo ni Vincent?" "It's not Vincent whom I'm talking about. May I know who is that guy?" Bakit parang naiilang ako sa mga tingin niya? Parang nagmamakaawa na hindi ko maintindihan. "He is my past. My first love..." Parang gusto ko na namang umiyak nang maalala si Fern at ang mga panlolokong ginawa niya sa akin. "Hindi pa man ako nagsisimulang manligaw, may karibal na kaagad ako," bulong nito pero dinig na dinig ko iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD