"You feel it, too, sweetheart, right?" muli na naman nitong tanong nang hindi ako sumagot kanina. Pangatlong beses na niyang itinanong iyon, ang kulit talaga. Nakaunan ako ngayon sa braso niya matapos ang isang nakatutuliro ngunit napakasarap na pagniniig. Parehas kaming walang saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa aming katawan habang nakahiga. Hawak niya ang kaliwang kamay ko at panaka-nakang hinahalikan ang tuktok ng aking ulo. Naroong pisilin niya ang kamay ko at dalhin sa labi niya upang halikan. "Please tell me you feel it, too, hmm?" bulong nito at hinalikan ang aking sentido. Napabuntong-hininga ako, ang kulit talaga. "Please stop imagining things, Chuck. The s*x was," tumigil ako at nag-isip ng akmang salita. "Fine—" "Lovemaking, sweetheart," pagtatama nito habang hinah

