Lorraine Gie Perez’s POV
"I received 1000 pesos ma'am." Masigla kong sabi. Nag-enter na ko sa computer at sinuklian ko na ung babae.
Maaga ang pasok sa Minimarket. Since bakasyon, nagtrabaho muna ako para kahit papaano ay makatulong at maging pandagdag sa tuition ko sa pasukan. Kailangan ko ng maraming raket dahil malapit na ulit ang pasukan at malapit narin akong maka-graduate. Konti push nalang. Kailangan ko pa palang maghanap ng scholarship, need na need ko yun. Haist!
Sa hirap na buhay lahat na yata ang raket napasok ko na. Ayoko kasing maging pabigat sa lola ko. Ayokong mahirapan siya. Saka 1 year to go nalang college na ko so, I need to pursue. I need!
"Miss. How much is this?" Napatingin ako sa nagtanong. Nagka eye to eye kami. He's so attractive. Naka-display pa ang dimple nya sa kabilang pisngi. Ang cute nya! Sasagot na sana ko sa tanong nya nang tawagin ako ni madam.
"Lorraine, come here."
"Yes madam.” Sagot ko. “Jess, May costumer." Tawag ko sa kasamahan ko at agad-agad akong pumasok sa loob.
***
Haist! Ang malas namang buhay to. Two week to go na nga lang bago magpasukan ganto pa nangyari. Bakit ngayon ka pa dumapo sakin kamalasan? Nakaupo ako ngayon sa tambayan ko tuwing problemado ako. Nandito ko sa isang lake. Maganda kasi dito, sariwa ang hangin at maganda ang tanawin. Nakakawala ng bad vibes.
"I'm sorry Ms. Perez.” Malungkot na sabi ni Madam at may inabot na sobre. “Kailangan kitang tanggalin ngayon. Mahina ang kita ng mini market ngayon. Kinakailangan naming magtanggal ng empleyado. Sana maintindihan mo. Don't you worry. Matagal ka narin namang nag work dito sa aming Minimarket at maganda ang performance mo. Kapag nag-increase ulit ang pasok ng pera sa amin, ikaw kagad ang iha-hire ko." Explain ni Madam sakin. Nalungkot ako sa mga sinabi ni Madam. Bakit kasi sumabay ka pa? Haist. Binato ko ang maliit na batong hawak ko. Ayoko namang umuwi sa bahay. Masyado pang maaga. Ayokong magtaka si lola dahil alam niya na 5pm pa ang uwi ko galing work.
...
"Goodvibes! Where are you now?" sabi ko sa sarili ko.
"Something bothering you? Miss."
Nagulat ako sa nagsalita at "Ay palakang-butiki. Hahay!" bigla akong na-out of balance, pag tayo ko biglang may humapis sa bewang ko para hindi ako mahulog sa lake. Napakapit naman ako sa batok nya at napapikit.
"Miss."
Nung pagmulat ng mga mata ko para kaming sasayaw sa mga acquaintance party. Nakalagay yung magkabilang kamay ko sa batok nya at yung lalaki naman nakayakap sa bewang ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nang matauhan ako.
"Bitawan mo nga ako.” Utos ko. “Bastos! Bitaw." Galit ko pang wika sa kanya.
"Miss. Are you serious? You want me to get off my hands on your waist?" Seryoso niyang tanong sakin. Aba! Manyak nito. Sabi ng isip ko at galit ko siyang tiningnan.
"Malamang! Nagustuhan mo naman na yakapin ako. Bitiw sabi." Inis kong sabi.
"Okay! Well, I will let you fall." Pagkasabi niya non, nagtaka ako tapos bigla siyang ngumisi at binitawan ako kaya nalaglag ako lake. Napaupo ako pagbagsak.
"Ouch!" Daing ko at mas lalo ko siyag sinamaan ng tingin. Bwisit naman oh! Bakit ba sunod-sunod ang kamalasan ko?
"Sabi mo bitiw ei.” Pilyo niyang wika. “So, sinunod lang kita. Here's my hand." Iniabot niya ang kamay niya sakin. Kinuha ko naman ang kamay niya at tinulungan nya ko na umahon sa lake. Pagkaahon ko, *PAK* Yah! Sinampal ko siya. Saka ko kinuha ang bag ko at lumakad.
"Hey! Why are you slapped my face? Ikaw na tong tinulungan ikaw pa tong sadista." Turan niya. Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Nagdere-deretso ako sa paglakad palayo. Sinundan naman nya ko. I try to walk faster. Haist good vibes naman oh!? Then bigla syang humarang sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Thank you lang miss, ayos na." Wika niya. Syemay! Bakit siya ngumingiti ng ganyan sakin? Kilala ba nya ko? Syete! Yung dimple nya, ang lalim. Ang gwapo nya!
"Bitaw!" Masungit kong utos.
"Suplada ka pala no?" tinanggal nya ang kamay niya sa balikat ko.
"Pake mo?" taas kilay ko.
"Nakakatuwa ka." Tinanggal nyan ang jacket nya at inilagay sa balikat ko saka siya tumalikod at naglakad. "Next time, take care ha. Yung problema. Sipain mo lang mawawala din yan, believe me." Pagkasabi niya non. Napatitig nalang ako sa kanya hanggang sa unti-unti siyang nawawala.
...
"Babe."
Napabalikwas ako nang may umuga sa akin. Nakatulog pala ko. Pagmulat ko nasa harapan ko na pala si Reymart.
"Kanina pa kita hinahanap." Seryoso ang mukha nya. "Sabi sakin sa Mini market na pinagtatrabahuhan mo, tinanggal ka daw pansamantala. Bakit dito ka tumuloy? Sana tinawagan mo ko?" pag aalala nito.
Oo, boyfriend ko siya. Si Reymart Guevarra. 1 year na kami. Isa taon din siyang nanligaw at isang taon na kami nung nakaraan buwan. Super layo ng agwat namin. Pero dahil mahal nya ko, wala siyang pakealam kung mayaman o mahirap ako, kung saan ako galing? kung sinong magulang ko? Dahil sabi nya ang importante daw ay Mahal niya ko at Mahal ko siya. May point naman siya pero syempre ako, hindi mo masisisi na minsan iniisip ko na hindi kami magtatagal gaano man namin kamahal ang isa't isa. Sobra kasing layo ng agwat ng mayaman sa mahirap ei. Kumbaga, langit siya at lupa ako. Ang hirap diba?
Naupo siya sa tabi ko at hinawakan nya ang kamay ko.
"Sorry. Hindi kita nainform. Ayoko kasing magworry ka." Sabi ko sa kanya.
"Gie, ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo. Gusto ko alam ko ang lahat sating dalawa. Sana, wag mong ipagkait na gampanan ko yung papel ko sa buhay mo. Bilang boyfriend mo. Mahal na mahal kita. Alam mo yan." Pagkasabi niya non, medyo na-guilty ako ng slight. Tama nga naman siya. Mag boyfriend-girlfriend kami. Dapat open kami sa isa’t isa. Kiniss nya ang noo ko saka niyakap. Yumakap din ako sa kanya. Sana ganito lang kagaan ng buhay!
"Sorry talaga. Pero promise, sasabihin ko na lahat. Pero wag ka maririndi ha? Puro problema ang dala ko!" ani ko sa kanya. Tinanggal nya ang pagkakayakap nya sakin at tiningnan nya ko straight to my eyes.
"Kahit ano pa yan. Promise. Lagi lang akong nandito para sayo. Just call me and I’ll be there.” Napangiti naman ako. Kahit na puro kamalasan ngayon araw, swerte naman ako sa kanya.
"Sige." Ani ko. Nagsmile siya sakin saka ulit nya ko niyakap. I smiled too.
Inihatid na ko ni Reymart sa bahay at nagpaalam na siya. Pagpasok ko sa loob.
"San ka galing?" Salubong na tanong sa akin ni Lola. Nasa kusina ito at busy sa pagluluto.
"Sa trabaho po 'la." Simpleng sagot ko saka ako naupo at nagtanggal ng sapatos.
"Dumaan si Jess dito. Maaga ka daw umalis sa Mini market." Pagkasabi ni lola non, lumapit siya sakin. Napatigil naman ako sa ginagawa ko.
"Ah kasi lola, ano eh." Tumayo ako. "Tinanggal na po ako ei." Pagsasabi ko ng totoo. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Lola. Nalungkot tuloy ako.
"Ano?" Tanong niya. Lumapit ako kay lola at niyakap ko siya.
"Pero 'la, wag ka pong mag alala. Makakahanap din agad ako ng work bukas. Ako pa ba 'la." Naglambing ako. "Lola, akyat lang ako sa taas." saka ako umakyat.
Sa pagkuha ko ng damit may lumaglag na papel na naka-fold at my stapler. Hinabi ko ang kurtina at sumilip ako kay lola na busy sa pagluluto.
"Lola, bakit may papel dito na naka-fold? Kanino po ito galing?" Tanong ko kay Lola at tumigil ito sa ginagawa nya.
"Ah, oo nga pala apo, yung papel na yan ay para sayo daw. May nagbigay kaninang babae." Pagkasabi ni lola, tiningnan ko kagad ang papel at nung nabasa ko. Dali-dali akong bumaba at niyakap ko si lola.
"Oh! Anung nangyari sayo?"
"Lola, ang saya ko. Napili ako ng Brown Hills University na doon na ko mag-schooling. Ita-transfer ako doon with full scholarship.” Niyakap ko pa si lola. “Lola, hindi na tayo mamomoblema sa tuition at sa allowance ko dahil free lahat. Yehey!" hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Ang saya-saya ko sobra. Bihira ang ganitong pagkakataon. Once in a life time. At super blessed ako, imagine kahit na bad things yung nangyari maghapon atleast ngayon, naging happy ako.
"San ba yung school na yun?" tanong ni lola.
"Sa manila po 'la."Reply ko. Biglang nagbago ang mukha ni lola, lumungkot ito. I also feel that way. Pano ba naman malalayo kami sa isa't isa. Nasa bulacan sya, manila ako. Kung yung paaralang ko before is walking distance lang. Ngayon I need to commute para makarating sa new school ko. Pero keri ko to, alang-alang sa free at opportunity, I grab this chance. Niyakap ko si lola.
"Lola, wag ka na pong malungkot. Malapit lang yun, isang sakay lang tapos uuwi din naman ako kapag sembreak at sa mga holidays. Magkikita parin po tayo kaya wag ka na po malungkot. Okay?" Explain ko kay lola. Ngumiti naman si lola at nagyakap kami ng matagal. Wala man ang magulang ko sa tabi ko, okay na ko dahil andyan ang the best lola ko.