***
Makalipas ang 2 months. Iwas at tago ang ginawa ko huwag lang mag-krus ang landas namin ni Rex after the Break up. Hanggang may isang balita akong natanggap na pinapauwi na si Rex ng Tito nya sa Canada, doon na daw mag aaral si Rex. Desisyon daw yon ng uncle nya dahil nasira daw ang buhay nya kakalaklak ng alak at kakayosi. I feel guilty dahil sa mga nagawa ko. Ahead siya sakin ng limang taon, kumbaga, 3rd year high school ako, siya naman 4th year College. After din kasi ng break up namin, dalawang araw lang ang nakalipas nalaman ko kagad na 'mali ako'. Na hindi nya pala babae yung narinig kong kasama nya nung araw na tumawag ako sa kanya, auntie nya pala, ikalawang asawa ng uncle nya. Hindi ko kasi alam na may new wife na pala ang uncle nya. Sobrang laking pagsisisi ko dahil nagdesisyon ako nang hindi inaalam ang buong storya.
***
I feel so guilt. I hate what decision I'd gone after a long year. Nung naramdaman ko na yung kulo ng tiyan ko inaya ko na si Jhonet na kumain. Bumaba kami sa ground floor at pumasok sa Mc Do. Um-order na din kami.
"Bhessy, naalala mo yung guy kanina?" Biglang tanong ni Jhonet. Habang kumakain kami. Tumango nalang ako. "May kahawig siya." Ngumiti ito. Napatigil naman ako sa pagkain.
"Sino?" curious kong tanong.
"Si Rex. Hawig sila bhessy. Pansin mo ba?"
Medyo nainis ako. Hindi sila magkahawig. Super labo pa sa blurred na magiging magkahawig sila, swear! Mayabang yon eh si Rex super bait.
"Hindi no." at nagpatuloy nalang ulit ako sa pagkain.
"Hi miss Jhonet." Ngumiti ito at ngumiti din si Jhonet. Napatingin ako sa likod ko. Oh no! Si Mr. Yabang pala. Kapag nga naman minamalas ka oh.
"Ow! May kasama ka pala. Ide-date sana kita eh. Ah can I sit here?" itinuro ang isang bakanteng upuan.
Napatango si Jhonet. Inis na inis naman ako. Paano ba naman pumayag itong bhessy ko na paupuin yun mayabang na lalaki na yon. Bakit ba kasi siya pumayag? Wag niyang sabihing type nya itong mayabang na ito. Loka talaga siya, naupo naman si yabang. Nag-ngingitian sila at nag-tititigan, aba? Ang loka bibigay pa yata.
"Ah. Again, I'm Ace and you are Jhonet right?" ini-abot nito ang kanang kamay nya kay Jhonet, inabot naman ni Jhonet ito at nag-shake hand sila. Tumango lang si Jhonet. Ngitian at tinginan lang ang ginagawa ng dalawa na para bang wala ako dito. Aba? Kabadtrip ahh. Parang invisible ang beauty ko dito ahh. Damn!
"Nice meeting you, Jhonet." –Ace
"Nice meeting you too, Ace." – Jhonet
Nananadya ba talaga tong antipatikong ito? Syete naman oh. Umubo-ubo ako para naman mapansin nila na 'hello andito po ako' sh*t. napatingin si Jhonet sakin. Humarap at ngumiti naman sakin si yabang.
"Oh”. Gulat reaksyon pa ang ibinugad niya sa amin. “Nandyan ka pala? You're the maid of Jhonet if I'm not mistaken, right?" seryoso niyang sabi. Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Ngumiti sya na may halong pag-aaar at ibinaling ang tingin kay Jhonet.
Badtrip talaga itong halimaw na to. Isang -isa nalang talaga bibingo na to sakin. Hindi naman ako mukhang maid para tawagin nyang maid ng bhessy ko ah. I’m prettier than to his date kanina. Kainis!
"Ah Mr. Ace, she's my bhessy. Aile is her name." pakilala sakin ni Jhonet sa mayabang na halimaw na lalaking ito. Hays! Salamat. Naisipan din ni bhessy na liwanagin sa mayabang na ito na hindi ako maid. I’m her best friend. Biglang nag samid-samiran si Yabang. Tatayo na sana ako dahil nasusura na ko. Hindi ko na talaga ma-reach itong mayabang na ito kaso bigla ulit siyang nagsalita.
"Ah...” tumango-tango pa ito. “Aile." Tumingin siya sakin. At tumango-tango ulit. "Ah okay. As in Aile Padilla?" saka tumawa. Nagulat naman kami nang bangitin nya ang surname ko. "Just kidding!" dugtong pa nya. Biglang nagbago ang mukha nito at naging seryoso. Ang weird nya, sobra! Si Jhonet naman, halatang kinikilig sa pag-papacute ng kumag na to. Biglang tumayo si yabang.
"Bye for now, Jhonet." Saka ito kumindat at ngumiti kay Jhonet tapos itong si Jhonet naman halatang pinipigilan ang kilig. then after that, bigla itong lumakad palabas ng Mc Do. Umirap lang ako sa kanya. Kabadtrip kasi ii. Yabang.
“Mukhang kinikilig ka sa mayabang na iyon ah?” nakataas na kilay kong sabi. Napahawi naman ng buhok si Jhonet at napangiti. “Don’t you dare!” dugtong ko pang sabi.
Inaway ko si Jhonet habang palabas kami ng mall at sinabi kong wag siya kinikilig kapag kinakausap siya ng mayabang na iyon kasi mukha siyang tanga. Ano sya? Easy to get. Nayamot tuloy ako. Kaibigan ko ba talaga ito? Ang sagot ba naman sakin GWAPO daw kasi. Sh*t saan banda?
Pagkauwe ko sa bahay. Nag promise ako sa sarili ko na last na talaga ang pag I-emote ko at ang pagiging miserable ko. Hindi ko na hahayaan na makontrol ako na emosyon ko. Sabi nga nila Mind over matter. If you don’t mind, hindi magma-matter sayo.
Naupo ako sa sofa at nagbasa ng novel nang lapitan ako ni mama at tabihan.
"Anak.” niyakap niya ko. “How’s your day?” Tanong ni mama kaya napahinto ako sa pagbabasa.
“Okay lang naman, Ma.” At ngumiti ako saka yumakap kay mama. Si mama nalang ang meron ako ngayon. After ng lahat ng nangyari, alam kong nagpapakatatag lang si mama para sakin pero deep inside hindi pa totally healed si mama. Nang kumalas na ko sa pagkakayakap.
“Anak, Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ikaw yung buhay ni mama." Paglalambing ni mama.
Tiningnan ko si mama at ngumiti ako ulit. Kahit papaano, blessed parin ako dahil may mama akong katulad niya. Never siyang nagkulang sa pagmamahal at pag aalaga sa akin. Gabi na rin at umuulan pa, naalala ko tuloy yung mga times na twing umuulan, lagi akong yumayakap kina mama at papa baka kasi kumidlat at kumulog, yun kasi ang kinakatakutan ko pero nasanay narin ako na maging strong, kailangan e.
"Mahal na mahal din kita, mama.” At niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Kiniss naman nya ako sa forehead afterwards.
"at anak, sana wag kang matakot na magpapasok ng mga tao sa buhay mo dahil sa nangyari satin. Gusto ko gawin mo iyong inspiration para mas maging matatag ka. Tayong dalawa nalang ang magkasama sa buhay. Gusto ko Masaya tayo." Ngumiti si mama. Tumango ako "Lagi mong tatandaan, kung may umaalis sa buhay natin, I'm sure may darating na mas better kesa doon sa nauna. Remember that okay?" I nod again. "Wag mong iisipin na pare-pareho ang mga lalaki. Mag kakaiba sila anak."
Doon sa huling sinabi ni mama, hindi ako um-agree. Eh bakit may naencounter ako kanina? Super yabang.
Hanggang sa paghiga ko sa kama ko ay nasa isip ko parin ang mga sinabi ni mama. Hindi nga ba pare-pareho yung mga lalaki? Ang hirap naman kasing paniwalaan e. Boys are boys. They are just nice in the beginning but after you fall deep to them, they will change. Sa una lang sila magaling. Sa una lang.
Biglang nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko ito sa side table ko aat tiningnan kung sinong nag-text.
“Bhessy. Gising ka pa? May chika ako sayo.”
Napakunot ang noo ko. Ano naman kayang kwento nito?
“Hello. Anong chika mo?” bungad ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot nya ng tawag ko. Ramdam kong excite siya sa i-chichika nya sakin.
“Bhessy. Hulaan mo kung sino nag-FR sakin sa sss account ko?” masaya niyang tanong.
“Wala ako sa mood manghula, bhes. Ikukwento mo ba o i-end call ko na ito.” Masungit kong sabi.
“Okay. Okay. Halatang wala nga sa mood. Haha.” Sabay tawa niya. “Si Mr. Ace in-add ako sa fb.”
Pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi nya.
“Don’t accept him, okay?” May gigil kong sabi.
“Hala. Naaccept ko na bhessy. Pinag-pa flood hearts nga yung mga posts ko.” at kinikilig.
“Kinilig ka naman? Babaero yun. I warn you bhessy. Tigil-tigilan mo yang ginagawa mo na yan a. Stop liking him.” Utos ko.
“Bhessy naman. Mali lang impression mo sa kanya. I’m sure if makilala natin siya ng lubos, hindi naman siguro siya ganung ka-very bad person no?” pagtatanggol nito sa Mr. yabang na yon.
“Wala akong panahon na makilala siya. Okay? At saka pwede pa wag na wag mo ng babanggitin yung mayabang na yon.” Inis kong sabi. “Pag hindi ka pa talaga tumigil dyan. Mag F.O. na tayo.” Warned ko sa kanya.
“Grabe naman sa F.O.” sabay hinga niya ng malalim. “O’sya fine! I will stop liking him for the sake of our friendship. Pero bhessy, hindi mo ba siya type?”
“Type?” agad kong sagot. “No way. Over my dead body.” Seryoso kong sagot.
“Wag magsalita ng tapos.” Wika niya. “Baka mamaya, kainin mo yang sinabi mo.” Sabay tawa.
“Hay nako. Matutulog na ko. Matulog ka na rin. Akala ko naman kung anong chika yan. Tungkol lang pala sa kumag na yon. Bye!”
Hindi ko na siya hinintay magsalita, in-end ko na kagad ang call. Ilalapag ko na sana yung phone ko ng mag-send si bhessy ng photo.