“What?” namilog ang mga mata ni Remmie sa mga ipinagtapat ko sa kanya. Imbes na dumeretso sa bahay, tumuloy ako sa pad niya sa building ng kompanya. Ini-enjoy ko ang cup noodles using a chop stick. Hindi ko pinansin ang pagkagulat niya. Marahan niyang hinamapas ang mesa. “Huy Loraine! Baliw k aba ha?” singhal niya. Hinugop ko ang sabaw ng noodles, para ‘tong kape na ini-sip ko. “Boss mo pa rin ako kaya ‘wag mo akong bulyawan.” Relaks ko lang na tugon. “Haist!” dinampot niya uli ang chopstick. Bumalik sa pagkain. Tahimik naming inubos ang spicy cup noodles na ‘yun. Walang ni isang nagsalita. Panahon na rin siguro para malaman niya ang lahat ng tungkol sa contract namin ni Martin. Wala naman akong ibang nakakausap patungkol sa mga personal kong problema kundi siya lang. Lalong bibigat

