Umikot si aling Nerve paharap sa akin kung saan nagdidilig naman siya. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Napaawang ang bibig saka gumuhit ang mga labi. “Loraine!” hindi niya napigilang isigaw ang ngalan ko. Halos magkasabay namang lumingon sa akin sina Mommy at Martin. Hinubad ni Mom ang suot na dalawang gloves humakbang palapit sa akin at sinunggaban ako ng akap. Mahigpit. Mas mahigpit sa mga nagdaan niyang pagyakap sa akin. “Anak, I missed you.” Pumaos ang boses nito. Niyakap ko rin siya at hinagod sa likod. Napahagikgik ako sa reaksyon niya para kasing isang taon kaming nagkita, mahigit dalawang linggo lang naman iyon. “Grabe naman, para namang ilang taon akong nawala.” Kumalas siya sa pagyakap. Pinagkasya niya sa dalawang palad ang maliit kong mukha, may butil ng luhang namu

