Lumabas ako ng bar nang tumawag si Kath-kath. Hindi ko marinig ang sinasabi niya. Nagtungo ako sa may parking area. “Anong sabi mo?” “K-ya nag_ zzzzzz.” “Kath-kath, text mo na lang ha? Choppy ka, eh. Hindi ko maintindihan. Sige na, kasama ko sina direk at ibang cast. Ingat kayo diyan ni Mama, I love you.” I hanged up. Bumalik na ako agad sa loob ng pribadong resto-bar na pagmamay-ari ng kaibigan ni Direk John, ang direktor at producer ng gagawin kong indie film. Almost two weeks na kaming nandito sa Bohol at nagsho-shoot. Sana nga lang mabigyan ako ng pagkakataon. Hindi ko naman inaasam na maging kilala ako uli at maibalik ang kasikatan ko noon. Sapat na sa akin na mapatunayang nagbago na ako at maging inspirasyon rin sa ibang mga gaya kong naligaw ng landas. Ang story ng pelikula ay

