Pinatay ko ang makina ng sasakyan matapos kong maipark ito. Inayos ko ang kwelyo ng polo-shirt ko, sinuot ang cap saka lumabas. Pumasok ako sa Dew-Forr building kung saan naroon si Katherine. May interview siya ngayon. Napangisi ako nang maaalala ko ang huling pumasok ako sa building na ito. Nasa bulwagan pa lang ako noon panay ngiti, tili at bati na ang sumasalubong sa akin. Pero ngayon, I doubt kung may nakakakilala pa sa akin. Kailan nga ‘yung huling punta ko dito? Sampung taon na ba? Parang, ‘yun nga marahil. Tumingin ako sa directory. Sumakay ako ng elevator, patungong 60th floor kung nasaan nandun ang office ng Chairman. Sayang at wala ‘yung acting CEO noon na anak niya, hindi ko pa siya nakita kahit na minsan. Ni ‘di ko nagawang magpasalamat sa pagtulong niya sa kapatid ko. Nga p

