“Are you willing to obey our rules and conditions, Mr. Villaruel?” seryusong untag sa akin lalaking may apat na mata. Nakasuot siya ng checkered na longsleeve polo na may necktie sa leeg. Haist, I know, nagtatrabaho siya sa isang sikat na clothing brand pero bakit parang hindi naman yata niya nakuha ang essence nun? Walang ka-taste2 ang dating niya. “Mr. Villaruel?” “Yes? Ah, ‘yung tungkol sa contract.” Nilaro ko ang dila sa loob ng bibig ko at pinagdikit ang mga daliri ko sa dalawang kamay. Maaga pa ako kinulit ni Mommy Rey kaninang umaga para sabihing ako raw ang napili ng ‘Le Serene’ ang brand ng damit na pinag-auditionan ko kahapon. “Pwedeng magtanong?” “Yes sir, sure.” “Bakit ako? I mean, sa dami ng mga nag-audition kahapon na magagandang lalaki at may magandang katawan bakit a

