Nasa paanan na ako ng eroplanong maghahatid sa amin patungong Amerika kung saan dadalhin si Dad para sa medication nito. Five minutes na lang ang natitirang palugit ng airline para hintayin si Mommy. Sinalubong ko ang driver namin ng makita ko siyang papalapit sa kinatatayuan ko. Ngunit habang nakatitig ako sa mga mata niya, malungkot ang mga iyon at dahan-dahang umiling. “I’m sorry ma’am, ayaw po talagang sumama ni Madam. Pinabibigay niya po ‘to sa inyo.” Isang puting sobre ang iniabot niya sa akin. tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Umakyat na agad ako sa eroplano. Marahil magulo pa rin ang puso’t isipan ni Mommy kaya ayaw niyang sumama. Bibigyan ko na muna siya ng tamang oras para makapag-isip sa lahat ng nangyari. Pinuntahan ko si Daddy sa cabin niya. I held his hand. And touch h

