Kabanata 10
Inspirado ang pagtipa ni kassie sa
keyboard ng kanyang laptop. Mabilis
ang mga eksenang nabubuo sa kanyang
balintataw. Malinaw na malinaw sa
kanyang imahinasyon ang matatamis na
sandaling pinagsasalihan ng kanyang
hero at heroine.
Kay bilis din ng t***k ng kanyang
puso. Kagaya ng nadarama ng kanyang
heroine dahil sa kasidhian ng pag-ibig
na iniukol nito sa hero.
At sa kanyang balintataw, mukha niya
ang nakikita niya sa mukha ng bidang
babae, habang ang mukha ng bidang
lalaki ay mukha ni Ced Castillo ang pilit
na nabubuo.
Shit! Bigla niyang itinigil ang pagtipa
sa keyboard at tinitigan ang mga
salitang rumehistro sa monitor ng
laptop. Bakit ganito? Bakit si Ced
Castillo ang nakikita ko sa sinusulat
kong nobela? Bakit hindi ko
makalimutan ang mga sandaling
magkasama kami kanina habang
nagdi-dinner? Habang nagsasayaw? No!
This is can't be! Kahit na hopeless
romantic ako, kahit na ang mga binubyo
kong nobela ay nahahawig sa
pagtatagpo namin ng lalaking iyon, alam
kong hinsi ako dapat padala. Pero bakit
ganito? Ang hirap sawayin nitong puso
ko sa mabilis na pagtibok.
Litong umalis sa harap ng laptop ang
dalaga at nagtungo sa Teresa. Mula
eoon ay tanaw niya ang buong resort na
halos ay wala ng katau-tao.
Alas-dose na ng madaling araw at
mangilan-ngilan na lang ang naglalakad
at naglalangoy sa beach. Pinatay na rin
ang ilang spotlight na nakatutok sa ilang
bahagi ng resort dahil wala na talagang
tao roon.
Habang sa kinaroroonan ni kassie ay
umihip ang panggabing-hangin.
Malayang tinangay niyon ang nahaba
niyang buhok.
Marahan siyang napapikit, saka hindi
napigilan balikan sa kanyang isip ang
mga eksena kanina habang nagsasayaw
sila ni Ced sa dance floor.
Ang pagkakalapat ng mga dibdib nila,
ang mabango hininga nito na tumatama
sa kanyang pisngi, at ang marahang
paggalaw ng mga katawan nila habang
umiindak ang mga paa.
It was perfect!
Parang eksena sa isang romance
novel.
Tunog ng kanyang cellphone ang
pumukaw sa pagdidili-dili niya.
Sino kaya to? Madaling-araw na, ah!
Baka si mama!
Dali-dali siyang pumasok upang
kuhanin ang nag-iingay na cellphone sa
ibabaw ng kama.
Hindi niya kilala ang numerong
nakarehistro sa caller ID niyon.
"H-hello? Who's this?"
"Hi!"
"S-sino to? Bagama'tparang kilala
na niya kung sino ang may-ari ng buo at
baritonong tinig na iyon.
" How sad naman. Abg bilis mo
naman akong makalimutan.
"C-Ced! B-bakit ka tumawag?"
"Puwede ka bang bumalik sa terrace
mo?"
"H-ha?" Napalingon siya sa
pinanggalingang teresa.
"Nakatingala ako kanina sa
kalangitan habang nakaupo sa
mahabang bangko sito sa ibaba. Then,
napatingin ako sa isang teresa na may
babaeng dumungaw. Mahaba ang
kanyang buhok, at kahit na medyo
malayo ako sa kanya. I know she's really
beautiful. And how lucky i am.
Maliwanag ang sikat ng buwan kaya
nakita ko nang tangayin ng malakas na
hangin ang kanyang buhok at
isinayaw-sayaw iyon, "he said it in a
husky voice na tila ba inaantok.
" C-Ced, ano bang pinagsasabi mo?
S-saka bakit... Nariyan ka pa sa ibaba?
"pero nagsimula namang humakbang
ang mga paa niya patungo sa teresa.
" I can't sleep. "
" B-bakit? "Nakarating na siya sa
teresa at ngayon ay nakadunghal na sa
ibaba habang hinahagilap nang tingin
kung nasaang panig ang kausap niya.
Hanggang napatingin siya sa maliit
na kubol na nasa mismong tapat ng
kanyang terasa.