Kabanata 14
MAGHAPONG iniwasan ni kassie si Ced.
Kahit na sinabi sa kanya ni Maricel na
nag re-request ito na makausap siya
dahil may kailangan sa kanya ay hindi
siya nakipagkita rito.
"Ma'am, baka naman ho magalit na si Mr.
Castillo," paalala sa kanya ni Marie nang
malapit nang gumabi.
.
"Hayaan mo siya. Patapos na naman
ngayon ang three-days seminar nila,
paalis na rin ang grupo
niya,"pabalewalang tugon ni kassie
habang pinipirmahan ang mga boucher
sa ibabaw ng kanyang mesa.
" M-ma'am baka naman ho madala, hindi
na uli---"
" Okay lang. He made me a lot of tension,
you know. Wala na akong pakialam kung
hindi na sila bumalik dito. " pabalewala
pa rin niyang tugon.
But deep inside, may mas malalim na
dahilan ang dalaga.
Hmp! Masyado siyang pangahas. At
bakit niya ako hinalikan? Aning
karapatan niya na gawin iyin? Hindi ko
naman siya nobyo, ah! Anong akala niya
sa akin, patakbuhing babae? Nakakainis
kasi! Bakit ba kasi ako sumama sa
kanya na mamasyal sa batuhang iyon
gayung hatinggabi na? Mali talaga ako!
Ang tanga-tanga ko! Hindi totoo na
ganoon kadali dapat bumigay ang isang
babae sa isang lalaki kahit pa matindi
ang atraksiyon nila sa isa't isa.
Hanggang sa mga nobela lang iyon
dapat maganap. Sa totoong buhay,
dapat ay maging maingat ang isang
babae sa kanyang sarili.
"A-ano hong sasabihin ko kapag
nangulit?"
"Ah, sabihin mo, wala ako. Sabihin mo
may inaasikaso sa bayan."
"Sige ho." Lumabas na si Marie.
Nang maiwan namang mag-isa ang
dalaga ay saglit niyang itinigil ang
ginagawa at pahinamad na isinandal ang
likod sa swivel chair.
Bakit nga ba niya ako hinalikan? Hindi ba
niya alam na siya pa lang ang unang
lalaking nakahalik sa akin? Anong aala
niya sa akin? Kagaya ng empleyado
niyang si Miss Ramos na puwede niyang
kalantariin? No way! I'm not looking for a
short time relationship. Ang gusto ko at
forever na kagaya ng sinusulat kong
mga nobela, ano?
Pero kahit na anong sabihin ni kassie sa
sarili, hindi pa rin makatkat sa utak niya
ang mukha ni Ced.
Hanggang sa gumabi na ay laman pa rin
ng isip niya ang guwapong binata.
MARAHAN at masuyo niyang niyakap
ang binata, saka ginanti ang marubdob
na halik na ipinagkakaloob nito.
Hanggang maramdaman niya ang
lubus-lubusang pagpapaubaya at ---
Tunog ng kanyang cellphone ang
pumutol sa inspirado na sanang pagtipa
ni kassie sa kanyang laptop.
Oh no! Bakit ba hindi ko nai-off ito?
Kaninang maghapon pa nga pala tawag
nang tawag ang lalaking ito.
Naiinis na tinitigan na lang muna ni
kassie ang pangalan ni Ced na
nakarehistro sa monitor ng kanyang
cellphone.
Nang matapos na ang tatlong ring ay
hindi na iyon tumunog.
Pero kasunod naman niyon ay
sunod-sunod na text messages mula
kay Ced ang natanggap niya.
Hindi nakatiis, binasa ni kassie ang isa.
Please, talk to me. Huwag ka namang
magalit sa akin, o.
At isa pa.
Bukas na ang balik namin sa lungsod,
tapos na ang seminar namin. Huwag mo
namang hayaang matapos din ang
pagakaibigan natin.
Bahagyang tumaas ang kilay ni kassie sa
huling text na nabasa.
Kaibigan? Pagkakaibigan? Bakit niya ako
hinalikan kung iyon lang ang layunin
niya sa akin?
Muling nag-ring ang cellphone.
Oh no! Ayokong sagutin yan! Ayokong
kausapin ang lalaking iyon!
Pero patuloy ito sa pagtunog.
Gusto nang i-off ni kassie ang power ng
cellphone, pero hindi naman niya
magawa.
Nang matapos ang ring ay muli iyong
tumunog.
"Hello?" padaskol niyang wika nang i-on
ang power niyon.
"please, for the last time, kausapin mo
naman ako, o." wika ni Ced mula sa
kabilang linya.
"Ced puwede ba, magpatulog ka!"
"Alam kong hindi ka pa tulog.
Naghihintay ako rito sa ibaba, please?"
Bahagyang natigilan sa pagtataray ang
dalaga.
"Maghihintay ako." Iyon lang at nawala
na ang tinig nito sa kabilang linya.
Ang sumunod niyang marinig ay busy
tone na.
Hmp! At bakit naman kita pupuntahan?
Hindi ka naman pala puwedeng
pagkatiwalaan! Bahala kang manigas
diyan! Uubusin ka pa ng lamok.
Muling nahiga ang dalaga at nag
talukbong ng kumot.
Pero mayamaya lang ay nag-alis siya ng
takip sa mukha at tumitig sa kawalan.
Ano naman kaya ang sasabihin sa akin
ng lalaking iyon? Ano, hihingi na naman
ng sorry? Mamaya, halika na naman niya
ako!
Nakasimangot na umalis sa kama ang
dalaga at gumawi sa terrace. Bahagya
siyang sumilip upang tanawin kung
naroon nga sa kubol si Ced.
Naroon nga ang binata, panay ang
hampas sa brasong nilalamok.
Ano ba talagang drama ng isang ito?
Noon ay inaaway-away ako, ngayon
naman ay kinukulit ako. Nakakainis ka
na ha? Mula nang makilala kita, puro
gulo sa kalooban ko ang hatid mo!
Pero mayamaya pa, natagpuan ni kassie
ang sarili na nagsusuot ng roba upang
patungan ang suot na pantulog.
Hindi na siya nag-abalang magbihis dahil
wala talaga siyang balak na magtagal sa
pakikipag-usap dito. Pagsasabihan na
lang niya ito na tigilan na siya dahil hindi
siya padadala sa kung anumang
sasabihin nito.