Someday

704 Words
Kabanata 17 "Ced!" Napabalikwas nang bangon si kassie dahil sa malakas na tunog ng kanyang cellphone. Ang malamig na silid na iyon ang namulatan niya. Wala si Ced sa tabi niya, hindi totoo ang nagaganap, panaginip lang, kagaya ng mga panaginip niya noon kapag pumapasok sa kanyang pagtulog ang mga eksena sa nobelang kanyang ginagawa. "Oh no! Umaga na pala. s**t, ten o'clock na!" hinagilap niya ang nag-iingay na cellphone at sinagot iyon. "H-hello?" "Hey, what's up, my sweet baby? Bakit mukhang bagong gising ka?" "Papa?" "Yeah, of course it's me. How's my baby, ha?" "I-I'm fine. K-kumusta kayo? Si mama?" "Okay lang, I've just called dahil namiss-miss kita, that 's all,"malambing nitong saad. " T-talaga? " " Oo naman. Ikaw, kumusta? " Heto, hungkag ang puso, muntik na niyang masabi. " O-okay naman ho. " Marami pa silang napag kuwentuhang mag - ama bago ito nagpaalam. Pagkatapos niyon ay nag-shower na siya. Ced, bakit ikaw na naman ang laman ng panaginip ko? Hindi ka na ba talaga maaalis sa sistema ko? Paano ko ba tatanggapin ang ipinagtapat mo kagabi na lahat ng pagtatagpo natin ay set-up mo? Dapat ba akong ma-flatter o, matakot sa iyo? Matapos magbihis ay lumabas na siya sa kanyang unit para magtungo sa kanyang office. "Good morning, Ma'am," bati ni Marie na nasalubong niya sa pasilyo. "Good morning. Tinanghali ako nang gising. Kumusta rito?" "Okay naman ho. Siyanga pala, may mga bagong guest na darating. Kinuha na nila ang binakanteng suite ng grupo nina Mr. Castillo." "H-ha?" Sukat na narinig ay bigla niyang naalala. Oonga pala, ngayon nga pala magte-check- out ang grupo nina Ced. "Ah, n-nasaan na sila?" "Sino Ma'am, yong mga bagong guest?" "H-hindi, yong grupo nina Mr. Castillo." "Ah, nakaalis na ho. S-sinunod na ng yate pabalik sa lungsod." Oh God! tila may kumurot na puso ni kassie. Si Ced, nakaalis na! Bigla ang dating ng realisasyong iyon sa kanyang isip. Lalong nahungkag ang puso ng dalaga. "Ma'am, Okay kayo?" "H-ha? O-oo naman." "Namutla ho kasi kayong bigla, akala ko'y kung ano na ang nang yari sa inyo" "Ah, I'm okay. Sige na, pupunta na ako sa office ko." "Oho." Nang tumalikod na ang dalaga ay nagtatakang nasundan na lang nang tingin ni Marie ang amo. Ced, umalis ka na. Iniwan mo na pala ako. Akala ko ba, gusto mo ako? Naroon si kassie sa terasa, nakatanaw sa kawalan. Hungkag ang puso, maguo ang isip. Ced, I love you too. Eh, ano kung obsess ka sa akin? Ako man yata, ganoon din sa iyo. Ilang beses na ba kitang napanaginipan na ikaw ang hero sa sinusulat kong nobela? Pero kung talagang tayo ang para sa isat isa, kailan kaya tayo muling magkikita? Ang hindi namamalayan ni kassie, naglalandas na pala ang mga luha sa kanyang pisngi. "Oh!" nagulat pa siya nang mabasa ng luha ang kamay niyang nakahawak sa pasimano ng terasa. Bahagya siyang napayuko. Hindi sinasadyang napatingin tuloy siya sa ibaba, particular sa kubol na laging sinisilungan ni Ced. Ced! Bigla ang kabang nadama niya nang may mahagip ang kanyang paningin. It's him! Siya ang lalaking iyon na kumubli sa dilim! Pilit niyang inaninag ang bahaging iyon ng Beach. Pero hindi na niya ito makita. Nang mapatingin siya sa di - kalayuan ay natanaw niya ang pamilyar na bulto ng taong naglalakad patungo sa batuhan. Si Ced yon! Sigurado ako! Pupunta siya sa batuhan! Bigla ang pagkataranta ni kassie, agad siyang nagsuot ng roba at lumabas. Dumiretso siya sa elevator at bumaba. "Ma'am, mamasyal kayo?" Hindi na niya sinagot ang tanong ng guwardiya sa pinto. Diretso na siya sa dalampasigan at tinugpa ang buhanginang patungo sa batuhan. Lakad-takbo ang dalaga. Bigla ang pag-ahon ng hindi matatawarang pananabik sa kanyang puso para kay Ced. Sapat na pala ang ilang araw na pagkawala nito para ma-realized niya ang mga kasagutan sa kanyang mga katanungan. Madilim sa gabi iyon, nagtatago ang buwan sa makapal na ulap at mukhang nagbabanta ang malakas na ulan. Pero wala siyang pakialam. Gusto niyang makita si Ced, mayakap, masabi rito ang nilalaman na rin ng kanyang puso. "Ced! Pero walang tao sa batuhan na ilang gabi nilang pinuntahan. Ced... minsan pang nahungkag ang kanyang puso. Nag-iilusyon nga lang ba ako na bumalik ka?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD