“HI,” bati ni Vince sa akin nang magising ako. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa biyahe pauwi ng mansion. Now, I feel energized. Mahabang oras ang itinulog ko kaya’t kahit papaano ay maayos na ang pakiramdam ko. “H-hello,” tugon ko. Saglit kong sinulyapan si Vince na nakaupo sa gilid ng kamay, tila kanina pa siya naghihintay. “A-ang kambal?” “Nasa silid nila. Katulad mo ay masarap din ang tulog ng kambal. Gusto mo na bang kumain?” malambing niyang tanong habang nakatutok ang mga mata sa akin. “M-maliligo muna ako.” Tila nilukuban ako ng hiya. “Okay.Then, I will wait you.” “Ha?” “Hihintayin kitang makapaligo saka tayo bababa,” may ngiti sa labi na sabi niya. Doon ko sinipat ang sarili ko. Ibang damit na ang suot ko. “S-sino ang nagpalit ng damit ko?” “I did it. Wala naman si

