Nanginginig na kinuha ni Sandy sa kanyang purse ang kanyang cellphone. Kasalukuyan na silang bumabyahe papunta sa pinaka malapit na hospital nang maisipan nyang tawagan si Prince. Maiintindihan naman siguro nito kung bakit sila na ang nagdala sa hospital kay Dychie. Naiiyak pa rin sya. Bakit ganoon? Sino ang gumawa nito sa babae? Nasa front seat si Aled, at isang guard nito ang nagda drive. Sila ni Dychie ang nasa likod. Ipinahiga nya ito sa kanya. There's blood eveywhere! She was parying for her life. Sana ay hindi pa huli ang lahat pagdating nila sa hospital. She can still hear her breathing, bagamat napaka hina na niyon. Hindi talaga ito kumikibo. Kitang kita nya kung gaano nanggigigil sa galit si Aled. Hindi nito halos tigilan ang pagbulyaw sa mga guard kung bakit hindi nal

