Sandy thought she played her part well. Hindi nya naman kasi pwedeng ipaalam sa asawa nya na nag-usap sila ni Roberto Santillan at ito ang unang nagsabi, mas malaking gulo. Pinapaayos nya na muna ang papers and all ni Sophia bago ito dalhin sa isa'ng mental institution. Syempre pa at kakausapin nila ang mga tao sa hospital since ang sabi naman ni Aled, ito na ang bahal magsabi sa parents ni Sophia na nagbabakasyon lang ito somewhere. Hindi nya masyadong kinikibo si Aled. Best actress na ang pakiramdam nya. "Babe.." Tawag nito sa kanya. Kasalukuyan silang nasa kotse at pauwi na. Kapwa sila nasa likod samantalang nagpasama sa isa'ng driver ang lalaki. Marahil ay nais nitong suyuin sya. SANA NGA. Hindi sya kumibo. Hinila nito ang kamay nya at hinawakan. "Shopping tayo

