Katulad ng ine-expect ni Tantan ay may lakad nga ang dalaga ngayong linggo. Ilang araw rin silang hindi nagkasabay umuwi nito dahil palaging may naiiwang trabaho ang dalaga. Pakiramdam naman niya ay nagdadahilan lang ito. “Tan, mauna ka na. Hindi muna ako sasabay umuwi sa’yo. Ang dami ko pa kasing naiwang tatapusin. Baka hanapin na ni Boss,” sambit ni Hazel sa kaniya. “Sayang naman. Ililibre pa naman sana kita ngayon,” pang-aakit nito sa dalaga ng libreng dinner dahil palagi niyang naiisahan si Hazel na ilibre siya nito ng lunch niya. “Nako naman. Kung kailan busy ako. Bawi na lang ako. Ako manlilibre sa’yo. Pass muna ngayon,” dahilan pa nito sa kaniya. Ilang araw na rin iyon ang dahilan nito. Napalingon siya sa opisina ng boss nila at naroon pa rin ito. Naalala niya na ilang magkakas

