Ganon na lang ang gigil ko pagpasok ng kitchen one. Nakakainsulto! Kala ko ako na ang pinakasama pero may mas lalala pa pala sakin. Nakaka-excite to! Nakaka-challenge! Nakaka-gigil gusto kong makipagtagisan kung hanggang saan ang kayang isama noong Oliver na yon. "Hi Ino!" bati agad ng mga babaeng chef sakin. Di ko pinansin ang mga ito. Diretso lang ako papasok dahil iyon naman talaga ako. Kay Allie lang ako nagbabago ang mood. Pagliko ko papunta sa changing room namin ay saglit na nagtama ang mga mata namin ni Allie. Di ko inalis ang tingin ko rito at kahit ba malayo ay kita ko ang paglunok nito ng laway. Ngumisi ako ng kaunti. Alam ko na ang ipapangtapat ko sa Oliver na yon. "Ngumiti siya sakin!" bulong ng isang babaeng chef na tumigil na sa pagsunod sakin. "Gaga, sakin!" banat nama

