Pabagsak kong sinara ang pinto nang kasunod ni Tim. Gusto kong sapakin pabalik si Tim pero di ko nagawa dahil maski ako ay nagagaguhan sa mga ginagawa ko. PUNY**TA! Hinanap ko si Allie kung nasaan ito at baka mamaya ay gising na si Jaze, mapahamak pa ito. "Sa kwarto ng mga bata," sabi bigla ni Jom, isa pa naming kasamahan na nagkakape na at handa nang umalis. "Salamat," sabi ko. "Kung pwede lang no, dito na lang siya," sabi nito saka tinapik ang balikat ko at umalis na. Naiwan akong parang nabuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan. Ang dami talagang nagkakagusto kay Allie. Di siya mahihirapang makahanap ng maayos na lalaking mamahalin siya ng maayos. Pumunta ako sa kwarto ng mga bata at laking gulat ko na wala itong kaarte-arte na nakahiga sa sahig kasama ng mga ito habang may ha

