Jaden's POV Napanganga silang lahat, I mean kaming lahat nang makita namin sila Trinity wearing a bikini. Lumaki siyang napakagandang babae at may maganda ring pangangatawan kaya hindi ko masisisi ang mga kaibigan ko na titigan siya. Biglang binuhat ni Travis si Trinity at lumusong sila sa dagat. Nakaramdam ako ng pagseselos nang makita silang masaya. "Sakit no?" Pang-aasar sa akin ni Sam. Hindi ko nalang siya pinansin. "Ang bilis rin ni Travis makadamoves, kung sa bagay ay expert na siya sa ganyan." Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "Sam, pwede bang manahimik kana lang?" Napatango naman ito pero alam ko na pinipigilan lang niya ang pagngisi niya. Tumayo na ako at iniwan siya, ayoko lang na mas lalo niya akong asarin dahil selos na selos na ako kila Trinity at Travis lalo na kan

