Trinity's POV Nakalabas na rin ako ng ospital after what happened to me. Umuwi pa si mommy galing Europe para tignan ang kalagayan ko. Nagkasundo nalang sila kuya, mommy at Mayor Buenavista na dalhin sa amerika si GD para hindi na maulit pa ang nangyari sa akin. Pumayag nalang ako dahil kahit papaano ay naaawa pa rin ako sa kanya. Hindi ko naman kasi kayang magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Si kuya Tristan daw ay malalayo muna sa amin dahil sa pribadong problema niya. Nagulat ako don dahil baka hindi na kami magkita pa. Mamimiss ko si kuya at pilit nalang siyang inintindi. At ngayon, sinabi ko na sa mga kaibigan ko na kami na ni Jaden. Nagulat din sila don dahil akala nila ay magiging kami ni Daniel. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat at naiintindihan nila ako. Si Daniel ay ala

