Zina Estella's Point of View
UMUPO agad ako sa upuan ko ng makarating ako sa room namin. Ako lang ang nakaupo dito sa likod dahil wala namang gustong tumabi sa akin. Kahit nasa likod ako naririnig ko pa din ang proffesor namin dahil may mike itong gamit at nakikita ko ang lesson namin dahil projector ang gamit ng mga teacher, kino-connect na lang nila sa laptop nila kaya hindi na sila nagsusulat.
Hindi uso dito ang notebook at ballpen dahil lahat gamit ay laptop. May laptop naman ako, provided ng school pero nagsusulat pa din ako sa notebook para sa mga keyword na pwede kong gamitin kapag nag re-review ako, mas madaling kong maintindihan iyon tsaka mas mabilis kung isusulat ko kesa sa i-ta-type ko pa. Binibigay na lang kasi ng proffesor ang soft copy ng lesson kapag natapos silang mag discuss. Lahat ng sentence na kasulat dito walang guide kung saan ka mag uumpisa para pag aralan, parang nagbasa lang ako ng libro kaya minabuti ko na maglagay ako ng keyword para mas madali kong intindihin.
Tinatawanan nga nila ako dahil ako lang ang nagsusulat sa kanila pero wala akong pakielam dahil hindi nila naiintidihan na mas madali itong ginagawa ko at hindi ko naman isusulat lahat. Yung mga kailangan lang ang sinusulat ko, hindi nila ako maintindihan dahil hindi naman sila nag aaral ng maayos basta may pera sila ayos na, hindi na nila kailangan pang magpuyat para mag aral at hindi sila na i-stress para sagutan ang mga assignments at gawin ang mga projects.
Ilang minuto lang ang lumipas ng dumating din ang mga babae. Rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila tungkol sa Regium. Kung paano sila kiligin habang pinag uusapan nila ang mga ito para silang mga kiti kiting hindi mapakali kung kiligin. Parang minsan lang nila nakikita ang Regium kung gumanyan sila.
"Ang gwapo talaga ng Regium lalo na si Luther" Luther lang ang gustong ipatawag ni Axl sa pangalan niya ayaw niyang tawagin siyang Axl tanging magulang lang niya at mga kaibigan lang niya ang pwedeng tumawag ng first name niya. Hindi kami mag kaibigan ni Axl, mas gusto ko lang siyang tawagin Axl dahil lahat ng babae puro Luther ang sinasabi nakakasawa na lang sabihin. Sa isip ko lang naman siya tinatawag na Axl, hindi ko sinasabi talaga baka mas lalo akong pag initan ng mga babae.
"Tama ka, araw araw yata gumagwapo sila"
"Oo nga pala yung rumor na kumakalat, yung sinasabi na makikipag duet si Luther kay Zie, totoo ba yun?"
"Ay, oo kinonferm na iyon mismo ni Luther yan sa live niya nung nakaraan"
"Kyaa paniguradong maganda ang kalalabasan nito"
"Tama ka excited na nga ako"
Narinig kong silang nag tiliian kaya muntik na akong mapatakip ng tenga sa tili niya. Ang sakit sa tenga ng tili nila. Mabuti na lang dumating na ang afternoon proffesor namin kaya natahimik yung mga nag titili baka kapag hindi pa natapos iyon ay mabingi na ako ng tuluyan sa pagtititili nila at isa pa hindi ba nauubos ang boses nila kakatili? Kapag dumadating ang Regium ganyan ang ginagwa nila.
Well, wala na akong pakielam diyan, bahala silang mubusan ng boses, mas maganda pa nga iyon para wala ng magtititili kapag dumadating ang Regium.
Dahil maingay na dito nagpagpasyahan ko na lumipat na lang sa library para tahimik akong magbasa. Mahaba pa naman ang oras kaya may time pa akong magbasa basa. Pagkarating ko sa library pumunta ako sa madalas kong tambayan na sa pagbabasa.
NAGLALAKAD na ako papunta sa room namin ng may prof na tumawag sa akin kaya hinarap ko ito at nakita ko si Prof Gina.
"Yes, Prof?" tanong ko.
"Pwedeng pakidala ang mga libro na nasa room 3 sa library at pakilinisan na rin ang room 3 kapag nalagay mo na sa library ang mga libro? May gagawin lang naman ako," sabi niya.
Alam ko naman na wala siyang gagawin. Gustong gusto lang talaga niya akong utus-utusan dahil ayaw niya sa akin. Anak niya kasi ang isa sa alipores ni Athena na si Lea. Paniguradong sinasabinng anak niya kung gaano niya ako hindi kagusto pero kahit ganun ay sinusunod ko pa rin siya kasi ayokong mas lalo nila akong pag initan.
"Sure, Prof," nakangiting sabi ko.
Palihim siyang umirap pero nakita ko iyon, nag kunwari lang akong hindi ko nakita ang pag irap niya.
"Thank you," sabi niya at pagkatapos umalis. Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa room 3, hindi ko maiwasang manlaki ang mata ko ng makita ko kung gaano kadami ang mga librong nandoon.
Napabuntong hininga na lang ulit ako. Mabuti na lang wala ang prof namin kundi late ako nito. Inilagay ko muna sa isang tabi ang bag at blazzer ko, medyo masikip kasi ang blazzer kaya inalis ko muna para makagalaw ako ng maayos. Matapos nun ay sinimulan ko ng magbuhat ng mga libro. Limang libro ang binubuhat ko dahil hindi ko naman kaya ang mag buhat ng marami.
Paulit ulit lang ang ginawa ko, pupunta sa room 3, magbubuhat at pupunta sa library. Paulit ulit iyon ang ginagawa ko, pawis na pawis na nga ako dahil sa pagbubuhat. Nang matapos kong mailagay lahat ng iyon sa library ay nilinis ko na ang room 3. Binilisan ko ang paglilinis dahil malapit na ang next prof namin.
Nang matapos kong linisin ang room 3, kinuha ko ang bag at blazzer ko at nag punta sa c.r para maghilamos dahil pawis na pawis ako.
Third Person's Point of View
SA KABILANG BANDA, tawang tawa naman sina Athena at mga alapores niya habang pinapanood si Estella na mag buhat ng mga libro. Naglagay kasi sila ng hidden camera sa room 3.
"Bagay na bagay talaga sa kanya ang ganyan, commoner kasi siya," tumatawang sabi ni Athena habang nakatingin sa laptop.
"Oo nga at ang tanga tanga niya dahil talagang sinunod niya ang utos ni mommy," sabi ni Nichole.
"Commoner kasi kaya madaling mapasunod," sabi ni Hannah.
"Mas bagay sa kanya ang maging alila kaya dapat di na siya pumasok dito, magkatulong na lang siya," sabi ni Athena. "Ambisyosa kasi gustong makapag aral sa mayamang paaralan wala namang pambayad, ang school pa ang nagpapaaral sa kanya, masyado siyang pabigat."
"Tama ka, ambisyosa talaga siya, gusto niyang makatikim ng karangyaan kaya nag aral dito," sang ayon ni Lea.
"Ganyan talaga pag mahirap, mga ambisyosa, kaya ayoko sa mahihirap kasi mga ambisyosa, pwe," sabi ni Athena.
Ayaw na ayaw niya talaga kasi sa mga mahihirap dahil noon ng pumunta sila sa lugar kung saan nakatira ang mga mahihirap may batang nagdumi ng mamahalin niyang damit kaya mula nun galit na galit siya sa mga mahihirap.
"Kung hindi lang ako masisira sa Regium baka matagal ko na siyang nasaktan," galit na sabi ni Athena. "Na-i-stress talaga ako sa kanya, nasisira ang beauty ko baka hindi na ako pansinin ng Regium lalo na si Luther." Maarteng sabi niya habang hawak hawal ang mukha niya.
"'Wag kang mag alala kahit stress ka, maganda ka pa rin, ikaw ang pinakamagandang na i-stress," pambobola ni Hannah sa kanya.
Natuwa naman si Athena sa sinabi niya. "Maganda talaga ako kahit stress," sabi niya.
Lihim namang napairap si Hannah. 'Paniwalang paniwala talaga ang babaeng ito, isa rin siya sa mga ambisyosa. Kung hindi ko lang kailangan ang kasikatan niya hindi ako sasama sa kagaya niyang mang aagaw, inaagaw niya sakin ni Luther,' sabi sa isip ni Hannah.
Pinaplastik lang ni Hannah si Athena para maging sikat din siya gaya nito. Ginagamit niya lang ito para sumikat pero hindi lang si Hannah ang nagpa-plastik kay Athena pati na rin sina Lea at Nichole, gaya ni Hannah ay ginagamit lang nila ito upang sumikat.
To be continued...