Zina Estella's Point of View NAKAUWI na kami galing school at nakakain na rin, nauna ng umakyat si Ella dahil may pag uusapan pa kaming apat at hindi niya iyon kailangan marinig kaya pinauna ko na siyang umakyat. "Anong pag uusapan natin?" tanong ni Kane dahil pinigilan ko silang umakyat. Tumingin muna ako sa taas para siguraduhing wala si Ella. "Birthday ni Ella sa sabado," sabi ko. "Really?" gulat na tanong ni Creed. "Yeah, and I'm pretty sure hindi niya iyon naaalala kaya balak ko na i-surprise natin siya," mahinang sabi ko. Hindi na niya kasi inaalala iyon dahil para sa kanya hindi special ang birthday niya pero gusto kong ibahin ang pananaw niya, sisiguraduhin namin na magiging special ang birthday niya. "We have 3 day to prepare her birthday, gusto kong special ang birthday niya

