Zina Estella's Point of View HANGGANG gabi kami sa venue, wala namang pasok kaya pwede kaming magpuyat pero sina mommy at daddy umuwi na kaya kami na lang naiwan dito. Ang mga lalaki nagke-kwentuhan habang umiinom ng alak, masa tamamg idad naman sila kaya okay lang uminom sila. Kami namang mga girls ay nagke-kwentuhan lang. "Hindi ko talaga akalain na napaniwala niyo ako sa sinabi niyo sa akin kahapon," sabi ko kina Ate Mikaila. Hindi talaga ako makapaniwala na lahat ng sinabi nila ay gawa gawa lang nila, na hindi totoo na anniversary ng mga magulang niya at alam talaga niya na doon ako sa building na iyon pero ang galing magpanggap ni Ate Mikaila. "Magaling ba akong umarte? Pwede na ba akong mag artista?" tanong ni Ate Mikaila. "Oo, ang galing galing mong umarte eh," sabi ko. "Pati a

