Zina Estella's Point of View ORAS na para sa laban ni captain kaya kahit ayaw ko pang bumababa ay bumababa ako. Ayoko namang idamay si captain sa pagtatampo ko sa apat. Kailangan ko pa rin siyang suportahan bilang member ng archery club. Official member na kasi ako ng archery, napalapit na ang loob ko sa mga ka teammates ko kaya hindi ko kayang umalis sa club kapag natapos na ang sports festival kaya naman nagsabi ako kayacaptain na kung pwedeng maging official member na ako archery. Pagdating ko sa kung saan gaganapin ang laban agad kong nakita sina Ate Mikaila, nakaupo na ito sa bench kung saan nanunuood ang mga students, kasama niya ang mga kaibigan namin, kinawayan niya ako ng makita niya ako kaya kumaway din ako sa kanya pagkaapos lumapit sa kanila. "Mabuti naman dumating ka na, ak

