"ANG mahal niya ay ang alipin kong si Therese at ang kanilang anak. Isang serena si Therese. Si Alessandro sana ay aking magiging hari ngunit inakit siya ni Therese, at nagtagumpay ito. Itinakas niya si Alessandro at nagpakasaya sa lupa habang ako ay nagdurusa! Nagbunga ang kanilang kataksilan. Hindi nagtagal nahanap ko sila sa lupa. Gusto kong bumalik sa akin ang iyong ama sa kabila ng sakit na idinulot ng pagtataksil nila ni Therese sa akin. Ngunit mas pinili niya pa rin si Therese at ang kanilang anak. Gusto kong patayin ang kanyang mag-ina ngunit nakatakas ang mga ito. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakikita. Hindi ko alam kung nasaan sila, o kung buhay pa ba sila." "At ako?" Nag-aamba nang bumagsak ang mga luha ni Xander. "Paano ako nabuo?" "Alam kong hindi ako kayang ma

