"MA, nakita ko na siya," wika ni Sebastian sa inang si Diana. "Nakita mo na si Arriana?" "Opo. Nakakalakad na siya." "Talaga, anak? Nagkausap kayo? Ano ang sabi niya?" Umiling si Sebastian. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimula, Ma. Natakot ako." "Natakot saan?" "Na baka nagbago na siya. Na baka hindi na katulad ng dati ang nararamdaman niya para sa akin." "Anak..." Nakaramdam si Diana ng pagkahabag sa anak. "May kasama ho siya nang makita ko. 'Yon siguro si Xander, ang lalaking ikinikwento niya noon sa akin na kaibigan niya pero may gusto sa kanya. Matagal kaming nagkawalay ni Arriana, hindi imposibleng natuon na ang pagtingin niya sa lalaking 'yon." "Pinapangunahan mo ang sitwasyon anak. Dapat ay kinausap mo si Arriana. Dapat ay kinumusta mo siya at tinanong. Paano pala kung

