CHAPTER 28

1099 Words

"SEB!" tawag ni Jane kay Sen na pumutol sa pagmumunimuni ng binata. "Samahan mo 'ko! Magsa-shopping sana ako kaso wala akong maisama. Lahat ng friends ko hindi available. Hindi ako sanay lumakad mag-isa. Samahan mo 'ko, sige na. Please!" Tumingin si Seb sa ina na abala noon sa mga papeles na kailangang pirmahan. "Okay lang, anak. Sige, samahan mo si Jane. Maigi rin nang makapamasyal ka. Ang totoo ay wala siya sa mood na lumabas ngunit ayaw rin niyang sumama ang loob ni Jane. Tutal ay minsan lang din naman itong humingi ng pabor sa kanya. Nakaangkla sa braso ni Seb si Jane habang naglalakad sila sa loob ng mall. Hindi komportable roon ang binata. Ngunit hinayaan niya si Jane sapagkat wala naman siyang malisya rito. "Seb, sumuko ka na kaya sa paghahanap sa girlfriend mo," wika ni Jane.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD