DIRE-DIRETSONG tinungo ko ang opisina ng traydor kong kaibigan. Halos nagliliyab ang mga mata ko sa sobrang galit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Nakakuyom din ang isang kamao ko. Handang mambugbog hanggang sa hindi na ito makahinga! Napasinghap ang secretary nito ng marahas kong sipain ang pinto ng opisina nito. Biglang napatayo ang traydor kong kaibigan. Hindi ko na rin pinagtuunan nang pansin kung sino ang kausap nito na 'agad ding napatayo. "Bro.." Inilang hakbang ko ito at isang malutong na suntok ang ibinigay ko rito. Kaagad ko itong pinaibabawan ng lumagapak ito sa sahig. Pinagsusuntok ko ito. Halos nandilim ang paningin ko sa isiping ginalaw nito ang babaing pinakamamahal ko. Isang malakas na puwersa ang pumigil sa akin. Bigla akong napatayo nang pigilan ako

