LIHIM kong pinagmamasdan ang guwapong mukha nito habang nakatutok sa television. Napakagat-labi pa ako ng mapatingin sa adams apple nito. Hindi ko maintindihan ngunit lakas ng dating nito sa akin. Lalaking-lalaki itong pagmasdan. Pakiramdam ko nga, lalong nagbigay appeal dito ang adams apple nito. "H'wag mo 'kong titigan ng ganiyan.." Bigla akong napakurap-kurap. Nakangisi itong humarap sa akin. Bigla naman akong napaiwas ng tingin. Lihim pa akong napalunok. Nang bigla itong tumayo at umupo sa tabi ko. Bigla tuloy naghurumintado ang t***k ng puso ko. Lalo na ng maamoy ko ang ininom nitong wine! Bahagya pa akong nagulat ng akbayan ako nito. "Masyado ba akong guwapo?" Sabay titig sa mga mata ko. Nandoon ang kapilyuhan nito. Kunwa'y ko naman itong inirapan. "Napapaisip lang ak

