ISANG matalim na tingin ang ibinigay ni Elise sa kaniyang sarili habang nakatingin sa harapan ng salamin. "Hindi ko hahayaang magtagumpay ka! Akin si Tristan! Akin siya!" Isang ngisi ang kumawala sa kaniyang labi. Para siyang nababaliw na hinaplos-haplos ang maikling buhok. Sa ilang buwang pagsusubaybay niya kay Alisha, nakuha niya ang paraan ng pagkilos kilos nito. Sinikap niyang gayahin ang boses nito. Pati ang ikli ng buhok nito, ginaya niya. Pati ang paraan ng pananamit nito, ginaya rin niya. Wala siyang hindi pinag-aralan. Lahat inalam niya upang magtagumpay siya sa pagkakataong ito. Gusto niyang sirain ang dalawa. Gusto niyang pumalit sa posisyon nito sa buhay ngayon ni Tristan. Hindi lingid sa kaniya na masaya na ang dalawa. Napangisi siya habang iniisip ang mga planong gag

