NAKABUSANGOT ang pagmumukha ko habang nakatitig sa babaerong amo ko na nakikipaglandian sa isang babae. Nang mga oras na iyon. Nasa loob kami ng bar. Medyo tahimik dito kaysa sa club. Nakaupo ako sa isang tabi habang ang magaling kong amo, nakikipaghalikan! At talagang mukhang nananadya pa ito at tumingin pa ito sa akin! Iyong mga mata nitong nakakaluko? Na para bang nang-iinggit?! Akala mo naman tatamaan ako sa pinaggagawa nito! Isang matalim na irap ang ibinigay ko rito. Nanggigigil ako rito at sarap nitong isumbong sa grandma nito! Ngunit ng dahil sa utang na loob, hindi ko naman tuloy maisumbong-sumbong! Kung minsan, nangangamba ako at baka malaman ng donya ang totoong pinaggagawa ng apo nito, tapos hindi ko inirereport dito. Talagang mawawalan ako ng trabaho at baka hindi ko

