IMPIT na napaiyak si Alisha habang inaalala ang masasakit na paratang sa kaniya ni Tristan. Hindi niya lubos akalaing ganoon siya nito kabilis husgahan. Na para bang hindi siya malinis na babae ng makuha nito? Inis na pinalis niya ang luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. "Hindi ka karapat-dapat iyakan!" nagagalit na namang pagkakausap ko sa sarili. Nagtaas-baba ang paghinga ko sa sobrang galit dito. Nanggigigil ako na para bang gusto ko itong kalbuhin ng mga oras na iyon. Hindi lingid sa akin ang pagtawag nito sa aking inay. Ngunit dahil sa kagustuhan kong iwasan ang binata at tuluyang h'wag magpakita rito, hindi ko hinayaang sabihin ni inay kung nasaan ako. Masakit man na lumaki ang bata sa sinapupunan ko na walang ama, wala akong magagawa. Hindi ko nanaising magmakaawa rit

