CHAPTER 57

1616 Words

MARAHANG inilapag ko ang resignation letter sa harapan nito. "What is that?" malamig nitong tanong. Lumunok muna ako bago nagawang magsalita. "A resignation letter." Pansin kong bigla itong napaupo ng tuwid. Ramdam ko ring napatitig ito sa mukha ko. Ngunit nanatili akong nakayuko. Ayokong makita nitong nasasaktan ako sa ginagawa ko. Masakit, oo. Dahil mahal ko na ito. Ngunit alam kong ito ang tamang gawin ko. Hindi ko kayang araw-araw akong nasasaktan ang makitang kasa-kasama nito ang babaing Elise Montellion na iyon. Sandaling katahimikan ang namayani. "Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit aalis ka?" Gusto kong matawa ng pagak sa tanong nito. Talagang nagawa pa nitong magtanong kung anong dahilan? Pagkatapos niya akong saktan at paasahin? Pagkatapos niya akong paglaruan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD