HABANG naghahanda si Gabriel na lumabas ng kaniyang opisina ng marinig niya ang boses ni Alisha. Kasing bilis siyang napalingon. At labis ang pagkagulat na lumarawan sa kaniyang mukha ng makita itong luhaan. Nagmamadali niya itong nilapitan. Muntik pa siyang magulat nang kusa itong lumapit at yumakap sa kaniya. Ngunit naisip niya ring marahil sa pinagdadaanan nito ngayon kaya nagawa nito ang bagay na pagyakap sa kaniya. Kahit naman kasi malapit kami nito sa isa't isa, never itong yumakap ng pauna. Ako ang laging dumada-moves noon. Pero naiintindihan ko naman ito kung bakit ganito ang ikinikilos nito ngayon. Mukhang may mabigat itong pinagdadaanan. Labis ang paghagulhol nito habang nakasubsob sa matikas kong dibdib. Iniisip ko palang na sinaktan ito ni Tristan, talagang hindi ko s

