"SAAN tayo pupunta?" tanong ko rito. Isang ngiti ang ibinigay nito sa akin sabay kuha ng kamay ko. "Ipapasyal kita rito sa Singapore bago tayo umuwi ng Pilipinas." Hindi ako kumibo. Nailang pa ako at naglalakad kami patungong elevator na magkahawak-kamay. Akmang hihilain ko ang kamay ko, ngunit lalo lang nitong hinigpitan. Napakagat-labi naman tuloy ako. Hindi pa kami nito magnobyo pero kung kumilos ito daig pang pagmamay-ari na ako nito! Bigla akong napayuko ng makitang may ilang nakasakay sa elevator. Pilit kong hinihila ang kamay ko, ngunit nanlaki ang mga mata ko ng pagsaklupin pa nito iyon! Napalunok ako ng marinig ang mahinang bulong-bulungan. Ang mahinang tawa ng mga ito. Alam ko naman ang dahilan. Iyon ay dahil sa itsura ko. "Witch!" "What did that witch do to make th

