CHAPTER 106

1435 Words

MANSION Nasundan ko na lang ito ng tingin ng tumungo ito sa loob ng banyo. Bumalik ulit ang pagiging tahimik nito. Ang pagkakakunot-noo nito na mukhang naging nakagawian na nito? Malungkot kong iginala ang buong paningin. Wala pa ring pagbabago sa loob ng kuwarto nito. At talaga bang payag itong magsama kami sa iisang kuwarto kahit wala pa rin itong matandaan? Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nilapitan ang mga anak na naglalaro sa loob ng crib. Kung malaki ang crib na nasa probinsya, mas doble ang laki ng crib na nandito. Kahit matulog pa nga ako sa loob kasama ang mga ito. "Mamaa..!" "Mamaa..!" "Mamaa..!" Nginitian ko ang mga ito bago pumasok sa loob ng crib. "Yes, mga anak?" "Yum, yum, yum.." Si Alina. "Okay, sandali lang. Ipagtitimpla lang kayo ni mommy."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD