INIS na napabangon si Tristan mula sa pagkakahiga. Kung bakit 'di mawala-wala ang init na lumulukob sa kaniyang buong katawan. Bigla siyang napalunok habang nakayuko. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang epektong gumagapang sa katawan niya ng dahil lang sa pagyakap sa kaniya ng kaniyang Personal Assistant niya. Lalo siyang nawala sa sarili ng mayakap niya ito. Ang maliit nitong balingkinitan na talagang hindi niya inaasahan. Ang mabangong pangangatawan nito lalo na ang hininga nito na para siyang nalalasing at nawawala sa sarili! Kulang na lang nga, mahalikan niya ito! Kung bakit sa kabila ng itsura nito, sa kabila ng pagkapangit nito at may asawa na itong tao, labis siyang naaapektuhan sa t'wing nagkakalapit ang kanilang katawan! At hindi niya maitatanggi na sa

