KANINA pa palakad-lakad si Alisha sa loob ng opisina ni Tristan. Alas singko na nang hapon ngunit hindi pa rin ito bumabalik. Nakaalis na lahat-lahat ang secretary nito, at pakiramdam niya, siya na lang ang taong nasa loob ng kompanya nito. Hindi naman niya magawang umalis lalo na't wala naman itong nabanggit na mauna na siyang umuwi. At sa tagal niya rin sa trabaho bilang Personal Assistant, hindi pa niya naranasang umuwi ng 'di ito kasama. "Nasaan ka ba, Tristan?" bulong ko sa sarili habang nakatitig sa cellphone. Kanina ko pa ito sinusubukang tawagan ngunit naka-out of coverage ang cellphone nito. Hindi rin ito nagre-reply sa mga text messages ko. Hindi ko maitatangging nakakaramdam ako ng sama ng loob sa binata. Kanina lang bago ito umalis, pansin ko ang biglaang pagbabago nito.

