NAPALUNOK ako ng makitang madilim ang mukha ni Sir Tristan habang may kausap sa telepono. Ni hindi nga ako nito namalayan na nandoon na ako sa loob ng opisina nito. Hindi ko na rin kasi pinapasok pa si Gab sa loob lalo na't may biglaang tumawag dito kaya kaagad din namang umalis. "I told you--!" Napahinto ito ng bigla itong mapatingin sa akin. At parang huminahon ang expression ng mukha nito. "Babalikan kita, mamaya." Sabay baba ng telepono. Napanguso ako at hindi man lang ako nito pinansin. Nanatili tuloy akong nakatayo. Mukhang bad trip na naman ito? Napapitlag ako ng bigla itong magsalita. "Ba't hindi ka umupo? Kailangan ko pa bang ilapit ang upuan sa iyo?" Pagsusungit nito. At talagang hindi ko naiwasang mapairap. Palibhasa, komportable na ako sa lalakeng ito. Ngunit kung

