INIS na pabalibag na isinara ni Tristan ang pinto ng kaniyang kuwarto. Marahas siyang nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. Bigla rin siyang namaywang at tumingala. Hindi siya makapaniwalang ang babaeng pang 'yon ang mapipili ng kaniyang grandma! Sa dinami-rami ng nag-apply, iyon pa talagang babaeng 'di marunong mag-ayos?! At talagang lalo siyang nagimbal at ang babaeng Alisha Perez pa talaga ang napili nito! Paano nga ba naman makakalimutan ang pangalan nito kung ito lang naman ang kaisa-isahang babaeng sumagot-sagot sa kaniya! Sobra pa naman siyang na-excite umuwi at excited siyang makita ang magiging Personal Assistant niya, tapos mukhang ewan lang pala ang makikita ng mga mata niya. Pakiramdam niya kanina, halos malaglag ang mga mata niya sa tindi ng pagkabigla. Ikaw ba na

