ISANG halik sa labi ang nagpagising sa 'kin. "We're here," nakangiting wika nito sa akin. Umupo ako ng tuwid at saka pinagmasdan ang labas. Nandito na nga ulit kami sa Pilipinas. Nakaramdam pa ako ng pagkailang at hawak-hawak nito ang kamay ko habang palabas ng eroplano. Ramdam kong sa amin nakatingin ang mga tauhan nito. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan nitong naghihintay sa labas ng Airport. Pigil na pigil kong mapangiti at kahit sa loob ng sasakyan, ayaw pa rin nitong bitiwan ang kamay ko. Akala mo naman e, tatakas ako sa paraan ng pagkakahawak nito. "Ang kamay ko.." Tumingin ito sa akin. Hindi ko inaasahan ang gagawin nito. Bigla itong dumukwang at inabot ang labi ko. Nanlalaki ang mga matang tinulak ko ito ng bahagya, sabay tingin kay Mang Rodolfo! "A-anong ginag

