SA PROBINSYA. Nang maiwan kaming mag-isa ni Inay saka ko namang sinimulang magtanong tungkol sa kakambal kong si Elise Montellion. Ikinuwento ko rito ang natuklasan ni Tristan. 'Agad kong napansin ang pag-iwas nito ng tingin sa akin. Lumarawan sa mukha nito ang lungkot, sakit at galit. "Totoo ba, inay? Na kakambal ko nga ang Elise Montellion na iyon?" nanunubig ang mga mata ko. Bigla itong napalunok. Hindi ito makatingin sa mga mata ko. Hanggang sa simulan nitong mag-kuwento. "Ang kapatid kong si Bella, siya ang dahilan kung bakit nawalay ang kakambal mo," pumiyok ang boses nito. Pansin ko rin ang pagkuyom ng kamao nito. "Noon pa man, lahat ng nagugustuhan ko, ay gusto rin nito. Hanggang sa itay mo, gusto niya ring agawin sa akin. Ngunit dahil mahal ako ng itay mo, 'di ito nag

